Araw ng sabado ay abala kami sa pag handa ng pagkain. Nag luluto kami ng amin almusal ng dumating ang aking Ina na galing sa kanyang trabaho at sinabihan nya kaming mag ligpit ng mga gamit dahil papataas na ang tubig baha sa amin tulay.
Kaya agad naman kaming nag ligpit inilipat Ang lahat na mahalaga sa ikalawang palapag ng amin bahay. At di nga nagtagal ay nakikita na namin ang tubig baha papalapit na sa Bahay namin .
Kaya nagmadali kaming may maisalba pang mga gamit. Hanggang sa tuhod na ang tubig baha ay nag aakyat parin kami ng mga gamit dahil sa mabilis na pag angat ng tubig baha.
At may pumuntang kapit bahay sa amin dahil wala silang ikalawang palapag na Bahay. Kaya nag sisigsikan kami sa Bahay dahil sa mabilis na pag taas ng tubig. Hanggang sa tumaas ng tumaas ang tubig baha ay naabutan nya ang sahig ng aming ikalawang palapag.
May natarantang matanda na kapit Bahay namin ang gustong pumunta sa Day Care center dahil nga mataas at sementado . Kaya sya ay nag sisigaw na gustong pumunta sa center kahit na medyo delilado na.
Buti nalang at nag salita ang Ina ko na huwag at delikado na para pumunta pa sa day Care center at huhupa din ito .
Ang ama ko naman ay abala sa pag gawa ng balsa-balsa sa labas ng Bahay namin at sya lang ang naliligo sa baha . At Pina panood na lamang namin ang ama ko sa paggawa nya ng balsa sa bintana Ng amin tahanan .
Ngunit dahil may natarantang matanda sa amin at sinabihan nya ang aking kapatid na tumalong sa ginagawang balsa ni ama.
Kaya tumalong rin ang kapatid ko dahil nga Bata ay sinunod nya ang sabi Ng matanda at huli na nag mapigilang ang kapatid ko dahil tumalong na sya.
At kumapit sa balsa na ginagawa ng aming ama ngunit di rin ito magandang sakyan dahil nga sa mataas ang tubig baha. Nag hanap kami ng bagay na kanilang makakapitan ni ama ng maka hanap kami ng tubong mahaba at iyung ginamit para Maka akyat sa bintana ang aking kapatid na tumalong at ang aking ama.
Habang tumataas ang baha ay marami kaming nakikitang mga baboy, baka na nakawala .
Dahil nga may kapit bahay kaming ng iisa sa kanyang Bahay .
Dahil sya lamang ang naiiwan sa Bahay nila ng tumaas ang baha ay nag sisigaw na humihingi ng tulong para pumunta sa Bahay namin. Dahil sya lang ang naiwan sa kanila.
Kaya lang ay dahil nga sa taas Ng baha ay sinabihan sya ng aking Ina na wag mag taranta at bababa ang tubig ulan . Kaya kina kausap na lamang namin sya para nawala ang takot na kanyang nararamdaman
Marami kaming nakikitang palutang lutang sa baha at mayroon nga Isang Drum na plastic Ang nag palutang pa punta sa amin Kaya kinuha nila ito at ng buksan .
Bigas pala na nabasa at dapat na itong lutuin ay masisira ito. Kaya lang ay Wala kaming oling o kahoy man lang Kaya Hindi naluto ang bigas at inilatag na lamang nila sa sahig. Hanggang gumabi na ay may kapit Bahay kaming ng aalaga ng malalaking aso inilipat nya sa amin
Ang kanyang alaga sa Bahay namin .
Hindi nga kami nakatulog buong Gabi dahil nga sa baho ng nabasang bigas at sa asong malalaki. Dahil may mga kapit Bahay kaming lumipat ay nag sisigsikan kami sa Bahay namin.
Hanggang mag uumaga na ay humupa na ang baha . Kaya dali-dali kaming lumabas at nag libot dahil nga di kami kumpleto pamilya ay nag Tanong -tanong ang aking Ina kung nakita Ang kapatid kung lalaki.
Buti nalang may naka pagsabi sa amin na sa simbahan sya at nasa mabuting lagaw. Maraming namatay na mga manok, baboy at baka kahit mga alagang hayop tulad ng aso at pusa.
Marami Ang nag sasabi nga Buti nalang at sa umuga tumaas ang tubig dahil kung nag kataon na kung Gabi ay marami sigurong may namatay na mga t_o. Kaya nag papasalamat parin kami dahil sa ligtas parin kaming mag pamilya.