Wig

925 Words
"Wow!, kuya!, Ang ganda talaga ng buhok mo!" Habang hinihawakan ng kanyang bunsong kapatid na babae ang wig na galing sa kanyang buhok at ginawang wig. Mahaba at makintab ang buhok na ibinigay sa kanya. Napapaluha na lamang si Ayah habang tinanggap nito at nilagay yun sa kanyang Ulo. ********* "Ayah gising na at may pasok kapa?" Sabi ng kanyang Ina sa kanya. "Ma!, Ma!, Ang sakit po ng katawan ko!" Sabi ng kanyang bunsong anak. "Ano bang masakit Ayah" tanong ng kanyang mama. At nang hinawakan ng kanyang Ina ang katawan ng bata at ito ay napakainit at hinang-hina na nakahiga sa kama. Kaya binigyan nya ng gamot para sa lagnat at bababa din. Iyun ang akala ni Nanay Teray sa kanyang anak na si Ayah. Dalawa ang kanyang anak sina jun-jun na panganay at ang bunso si Ayah. At tatlong taon lang ang kanilang Agwat 13 years old na si Jun-jun kaya naman 10 year old na si Ayah. Nanay Teray (pov) Lagi kong sinasabi sa panganay ko na lagi nyang bantayan ang kanyang bunso kapag may trabaho ako. Isa akong call center at hiwalay na sa asawa dahil may kabit kaya nakipaghiwalay na ako sa kanya at tuwing may trabaho ako ay si mama ang naiiwan sa bahay at kasama rin namin ang aking kapatid na lalaki. Nagtatrabaho sya bilang security guard sa Isang mall. Kaya kapag wala akong trabaho eh, namamasyal kami sa kanilang Tito at doon kami buong araw naglilibang. At ngayong araw ay ginising ko ang aking anak na si Ayah at pinapasok sa paaralan. Kaya lang ay sumama ang kanyang pakiramdam kaya hindi ko na sya pinapasok sa paaralan. Nang sumunod ang araw ay pumasok na sya sa paaralan at ang akala ko ay magaling na sya dahil sa lagnat lang naman ang kanyang sakit. Kaya lang ay habang nasa bahay ako at nagtutupi ng mga damit ay may tumawag sa aking sa cellphone at ng sinagot ko ay bigla akong nataranta dahil nahimatay ang anak ko at dinala nila sa hospital. Kaya nagmadali akong pumunta sa hospital at naghintay sa emergency room at ng lumabas ang doctor ay sinabi nya na may gagawin silang mga test sa kanya. Para malamang kung ano ang kanyang sakit. Kaya pumayag ako agad para malamang kung ano ang sakit ng anak ko. Dahil ito ang kinakatakutan ng Isang Ina na malalamang may sakit ang anak. Kahit nga lamok ay ayaw kung padapuan sya sa sakit pa kaya. Ibibigay ko ang lahat na makakaya ko para ma protektahan ang anak ko. Nang dumating ang araw na hindi ko makakalimutan ng matapos na nilang ma test ang aking anak ay napag alaman na mayroon syang Leukemia. Nang marinig ko ay para akong binagsakan ng langit at lupa napaluhod ako at umiiyak. Hindi pwede ang anak ko na napakabata pa ay magkakaroon ng ganyan. Kaya lahat ng mga kailangang gawin para magamot ang anak ko ay gagawin ko Basta lang mabuhay ang anak ko. Kapag tinuturukan sya ng malalaking karayom at napapahiyaw ang anak ko. Hindi ako makatingin at nanginginig ang katawan ko. Nang makausap ako ng Doctor ay sinabihan akong huwag magpapakita na ikaw ay nahihinaan ng loob sa anak mo. "Labanan nyo ang pagsubok at malalampasan nyo din tiwala lang sa panginoon." Sabi ni Doc sa akin. Kaya kapag sya ay nag therapy ay nilalakasan ko na ang loob ko para sa anak ko na humuhugot ng lakas sa akin. Ilang mga buwan na nagpabalik-balik kami sa hospital at humina ang kanyang katawan, naglalagas din ang kanyang buhok at lumiit ang kanyang pangangatawan. Naiiyak lang ako kapag tumitingin sa kanya kapag sya ay natutulog. Kaya hindi ko nagagabayan ang aking panganay dahil sa pag-aalaga sa kanyang kapatid. Kung minsan ay ginagawa ko ng bahay ang hospital at umuuwi lang ako kapag may kukunin importanti sa bahay. Mabuti lang at nandyan ang aking kapatid at si mama na tumitingin sa anak kong panganay. Tinutulungan din ako ng asawa ko kahit devorce na kami dahil anak nya parin si Ayah. Kaya ng dumalaw ang panganay ko sa hospital ay nakita kong mahaba ang kanyang buhok kaya inuutusan ko sang magpagupit. Kaya lang ay ayaw nya at tinatanong ko kung bakit kaya sinabi nya ang kanyang reason kung bakit gusto nyang magpahaba ng buhok. "Ibibigay ko ang buhok ko kay Ayah! Mama!" Nag marinig ko ay di ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko sa sinabi ng panganay ko. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit at nagpasalamat dahil meron akong anak na napakabuti ng puso. Matagalan ang amin laban sa sakit ni Ayah. Dahil humihina ang kanyang katawan at laging nagsusuka. Marami na kaming nilapitan tao para sa gamutan ng anak ko dahil hindi biro ang mga gastuhin. Kaya kahit na nahihiya ako ay pinakapalan ko ang aking mukha para lamang madugtungan ang buhay ng anak ko. Isang araw ay pinagupitan na ng anak ko ang kanyang buhok at ginawang wig nang dumating sya sa hospital ay natutulog ang kanyang bunsong kapatid kaya hinintay nyang itong magising. Ipinakita nya ang kanyang buhok na ginawang wig at natuwa ang kanyang kapatid kaya sya ay napa-upo sa kama. Habang si jun-jun ay ibinigay na nya ang wig sa kapatid at masayang tinanggap ni Ayah. "Wow! Kuya ang ganda naman ng buhok mo!" Habang nilalagay nya sa kanyang Ulo. Nang pumasok ang Doctor at ibinalita ang magandang results na humina ang sakit nyang Leukemia. Kaya sila ay napasigaw sa itaas. "Thank you Lord, salamat, Salamat at dininig nyo ang aming hiling." At nagyakapan silang tatlo. The end.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD