YUNG pakiramdam na may nakamashid sa kanya ay damang-dama niya. Unti-unti niyang iminulat ang mga mata only to find Leandro sitting on the side of her bed. Nagulat siya sa presensiya nito kaya walang preno siyang bumangon para lamang mapangiwi ng maramdaman ang pagsigid ng kirot sa kanyang paa. "Hey.." agad naman siya nitong inalalayan. "K..kanina ka pa diyan?" "Just enough to watch your beautiful face." Walang inhibisyon nitong sabi dahilan para mag-init ang kanyang mukha. She secretly bit her lip saka idinako ang mga mata sa kamay nitong nakahawak sa siko niya. Tila balewala naman nito iyon tinanggal ng mapansin ang pagdako ng tingin niya. "I brought our dinner here," sabi nito at tinapunan ng tingin ang mesang nasa bandang gilid ng kama. Sinundan niya iyon ng tingin pagk

