010: Status Quo

2986 Words
TWO Days ago. Hindi pa rin lubos na makapaniwala si Jianne sa mga nangyari sa nakalipas na pitong oras mula ng mapadpad siya sa loob ng kuwartong ito. Pakiramdam niya ay masyadong mabilis ang mga pangyayari na hindi niya nagawang sundan iyon kaya naman punong-puno siya ng katanungan sa sarili. She just wanted to do her mission, and that was to earn as much money as she could from the passengers of the cruise. Hindi naman niya akalain na hindi lang pala siya ang may ganoong plano. Ang mas nagpagulat kay Jianne ay kung paanong nadamay siya sa gulong ito at kung bakit sa huli ay siya ang nagbayad sa bagay na hindi naman niya ginawa. Hindi niya alam kung ito na ba ang karma niya kung saan hinaluan na ng karma ng mga kaibigan niya mula sa ginagawa nilang panggagantso sa nakalipas na walong taon. Ang inirereklamo niya lang ay kung bakit sobra-sobra naman yata ang parusa niya at kailangan pa talagang isabay ang karma ng mga kasama. But Jianne couldn’t completely tell that she was really unfortunate now. Maliban sa marami na rin siyang nakulimbat, may pagkakataon pa siyang mangulimbat nang hindi kailangan ng sagabal. With her connection now to the big boss of this ship, it would be easier for Jianne to gather enough cards and pawn-able accessories. Kahit alam niyang delikado ang lalaki lalo na ang mai-relate dito, wala namang ibang choice si Jianne kung ’di ang sumabay sa agos. Tsaka na siya mamomroblema kapag padating na ang usapan nila. When that time comes, all Jianne needs to do is prepare an escape plan. For now, all she has to do is to earn and earn. At least, hindi na niya kailangang matulog sa matigas at malamig na sahig ng ship. Blessing in disguise na rin ito para kay Jianne kaya lulubusin na niya. Katulad na lang ginagawa niya ngayon. Katatapos lang ng ‘pag-uusap’ nila ni Demetrius at kalalabas lang nito para tumawag ng mauutusan na kumuha ng makakain nilang dalawa. Sa sobrang daldal kasi ng lalaki ay hindi na nito namalayan ang oras. Kung hindi pa siguro hinayaan ni Jianne ang pagtunog ng kanyang t’yan, baka tuluyan na nga siyang nalipasan ng gutom dahil sa tuloy-tuloy na pagtatanong at pagkukuwento sa kanya ni Demetrius. Kahit pa nga sa mahigit dalawang oras nilang pag-uusap ay puro tango at maiiksing sagot lang ang ginawa ni Jianne. Sa ganoon kilos ni Jianne ay parang sinasabi na ni Jianne kung gaano siya kawalang interes makipag-usap sa lalaki. Pero hindi naman alam ni Jianne kung sadya ba o talagang wala itong kaalam-alam dahil hindi talaga ito natigil sa ginagawang pagkukuwento. S huli ay walang magawa si Jianne kung ‘di ang sabayan na lang sa kung anumang trip ng lalaki. Now, after two hours of nonsense talk, nakalaya na rin si Jianne. Kahit pa nga alam niyang saglit lang iyon ay ikinatuwa pa rin ni Jianne ang ilang sandaling katahimikan. Medyo gutom na rin talaga siya kaya gusto niyang kahit papaano ay bilisan ng sino mang initusan ni Demetrius na dalhin ang pagkain. At mukhang dininig naman siya ng Diyos dahil nga agad na bumalik si Demetrius sa kuwarto. Sa likod niya ay nakasunod ang tatlong kalalakihan na may tig-iisang tray na hawak-hawak. Isa naman sa tauhan ni Demetrius ang pumasok para naman ayusin ang lamesa na pagkakainan ng dalawa. Doon maingat na inilapag ng mga waiter ang pagkain na batay pa lang sa amoy ay nakatatakam na. Hindi na tuloy nakapagpigil pa si Jianne na maglakad papalapit doon dahil ramdam niya ang paglalaway ng bibig niya. The smell is so mouth-wateringly delicious that she could taste them even by smelling the fragrant foods. Kung hindi lang dahil sa kaunting dignidad niya bilang babae ay baka kanina pa niya sinugod ang lamesa at kumain na parang ilang buwan siyang gutom. Tikom na tikom niya ang bibig at baka tuluyan ng pumatak ang mga laway niya sa sahig. Ang mga mata niya ay hindi naman mapuknat mula sa mga pagkain na parang tinatandaan na niya kung ano ang mga lalantakan niya mamaya. This scene was seen by Demetrius, who had a serious face as he instructed his people. In his eyes, Jianne looks like a little hungry kitten who wants to wolf down all the food on the table in one go. Demetrius lightly chuckled, surprising everyone in the room. Tanging si Jianne lang at kalmadong napatingin kay Demetrius na mukhang natauhan kaya para maitago ang kahihiyan ay umakto siyang parang walang nangyari at napatingin kay Demetrius. That made Demetrius smile. “That’s enough. Leave the room,” utos ni Demetrius sa lahat habang hindi inaalis ang pagkakangiti kay Jianne. walang tanong-tanong na isa-isa namang nagsialisan ang mga tauhan ni Demetrius. Marahang isinara pa ng huling tauhan na lumabas ang pinto. “It’s just you and me. Don’t shy away and start eating,” Demetrius gently orders Jianne. At sino ba naman si Jianne para makaramdam pa ng hiya. Tutal naman ay mukhang nahuli na siya ng lalaki ay bakit mahihiya pa siya? Jianne scoffed and walked towards the table in a dignified manner, although her hurried steps could not hide her haste to get to the table and eat. Maging ang pag-upo niya at ang pagsandok ng pagkain sa plato niya ay puno ng tikas at ayos. H’wag na lang pansinin ang punong-puno ng pagkain na plato at ang sunod-sunod na niyang subo. An amused glint flashed in Demetrius' eyes as he slightly shook his head, still with a smile. But the smile is much more gentle and acquiescent. Pinanood niya rin ng ilang sandali si Jianne bago naupo sa harapan nito at nagsimulang kumain. Mukhang may alam naman ang lalaki tungkol sa proper table etiquette. The two had a silent and peaceful dinner that made Jianne happier afterward. Hindi lang siya nabusog sa sarap at dami ng nakain niya. Nagkaroon din siya ng mas mahabang katahimikan. So when they were done eating, at nagpapababa na lang ng kinain, nakahanda si Jianne na maging mabait at sagutin ng maayos ang mga itatanong sa kanya ng lalaki. She was even willing to talk and share something about herself with Demetrius. “Since mukhang mabait naman pala talaga ang Demetrius na ito, then magpapakabait rin muna ako,” she muttered to herself. Luckily or not, before Jianne had a proper conversation with Demetrius, a knock came on the door and an unfamiliar male voice was heard. “Mr. Aquinas?” Nagtataka man ay pinanood lang ni Jianne na tumayo si Demetrius. She wanted to be nosy but she knew her limitations. Maaaring gusto ng lalaki ang maging open siya rito, pero alam ni Jianne na hindi sa ganoong paraan ito matutuwa sa pagiging madaldal niya. Halos mabali ang leeg ni Jianne katitingala ng lumapit sa kanya si Demetrius. Akala niya ay didiretso ito sa pinto. “Wait here, this will be faster. If you want something, just call out since I will be just behind the door,” he said, and then gently tousled her hair. Hindi na hinintay pa ni Demetrius si Jianne dahil mabilis itong tumalikod at naglakad papalabas ng kuwarto. Pero katulad ng sinabi nito ay nasa labas lang siya ng pinto tumayo at hinarap ang sinumang lalaki na dumating. Jianne shook off the feeling it left and lazily sprawled her body on the soft sofa. Bigla siyang napaisip kung ano ang susunod niyang gagawin habang naghihintay ng hindi sinasadyang mahagip ng pandinig niya ang usapan ng dalawa sa labas. Slightly feeling curious, Jianne tried to hear their conversation clearly without acting strange. Napansin kasi ni Jianne na nakabukas at nakaawang ng unti ang pinto, kaya medyo nagtaka siya lalo na nga at medyo may kalakasan pa ang boses ng dalawa habang nag-uusap. Na para bang sinasadya ng mga ito na marinig niya ang laman ng pinag-uusapan nila. At dahil dakilang chismosa si Jianne, since he was letting her hear everything, then why not gladly listen to them? So Jianne did as she was told. Umayos siya ng pagkakahiga sa sofa kung saan mas maririnig niya ang usapan ng dalawa mula sa labas. Ipinikit niya pa ang mga mata na para bang naidlip siya imbes na nakikichismis. “—really sorry, Mr. Aquinas. Minds are really hard to control. We already tried to increase the dosage of opioid substances, but it still has the same effect even if we also doubled the naloxone. Although, this time, we can already see some progress. Since there were also some effects on the muscle contraction. Unfortunately, the effect is negative, but at least we knew that adding more dosage of opioids may help in achieving the desired effect.” Napabalikwas sa pagkakaupo si Jianne sa narinig. nanlalaki pa ang mga mata niya habang nakatingin sa pintuan na para bang may nakatayo doong multo. Hindi ganoon narinig ni Jianne ang mga naunang sinabi ng kausap ni Demetrius pero habang patagal nang patagal ang pakikinig niya ay unti-unti rin niyang nakukuha ang idea ng pinag-uusapan ng mga ito. And Jianne was horrified! Just the mention of those drugs is already alarming her. As an undergrad nursing student, Jianne had an encounter with those drugs for an ample amount of time. At kahit hindi man niya natapos ang medical study niya ay kahit papaano’y may alam pa rin siya tungkol sa mga ganitong gamot. So after hearing them, alam agad ni Jianne kung ano ang ginagawa ng mga ito. Without listening from the beginning, nakatitiyak si Jianne na tungkol sa ilegal na research experiment ang ginagawa ng mga ito. Gustuhin mang isara ni Jianne ang mga tainga para hindi na niya marinig pa ang tungkol sa karumaldumal na krimen na ginagawa nila pero hindi maitatanggi ni Jianne ang mausisa. Hindi dahil sa gusto niya lang sumagap ng chismis. Sabi nga nila, knowledge is a treasure, and awareness is a prevention. In case of emergency, baka magamit niya rin ang kaalaman tungkol dito in the future. Lalo na sa lagay niya ngayon, baka ang malaman ang tungkol sa mga ito ay magpalaya sa kanya mula sa kamay ni Demetrius. “That’s already good news. How about those test subjects? What did you do to them?” ang malamig na tanong ni Demetrius. Kahit si Jianne na nakikinig lang ay hindi maiwasang panindigan ng balahibo sa sobrang lamig ng boses na iyon ni Demetrius. “They are as cold as dead people. Although there are one or two who are still breathing, it is only because of the drug’s effect. Once it is gone, their life will be gone too. So I help them with free burial services. If not eaten by sharks, they might be at least six feet under the ocean. And I would ask forgiveness if I used some of your sea anchor collection in commemoration of the sacrifice of people for the sake of this experiment.” “No need, Simon. It was actually their purpose why I brought a lot of them. Now tell me what the next plan is. Do you need another set of test subjects? If so, just tell Bernard and he will know what to do.” Mahinang natawa ang lalaki. “There’s no need for that, Mr. Aquinas. I can just do the same when gathering the test subjects. Anyway, we are still finishing the new dosage. That is why it takes a lot of time when I do the report. But I’m sure that tomorrow, me and my people are already done with it. Then I will gather the third batch of test subjects for the third sample of CID10.” “Good. I will come with you to the lab. Come with me inside—” Hindi na makatiis pa si Jianne at nagmamadali na siyang napatakbo sa bathroom ng kuwarto at nagsuka. Hearing those cruel words, pakiramdam ni Jianne ay parang binabali-baliktad ang sikmura niya. kahit walang nalabas maliban sa sariling laway ay pinilit ni Jianne na masuka para lang mailabas ang hindi kanais-nais na nararamdaman. Ang mga luha ay hindi na rin mapatid sa pagpatak. Maybe because of the nauseating feeling or because of what she heard. At that moment, gusto na lang ni Jianne ang mawalan ng malay, mawala lang siya sa impyernong iyon. “Demonyo. Mga demonyo sila. Paano nila nasisikmurang gawin iyon…” umiiyak na wika ni Jianne habang nakahawak sa inidoro. Nanghina siya bigla; una ay dahil sa sapilitan niyang pagsusuka, pangalawa naman ay dahil sa pag-iyak niya. Panghuli ay dahil sa takot na biglang kumalat sa katawan niya. Ngayong alam niya na, na hindi tao ang kasama niya, na maypagka-demonyo ang mga ito, nanghihina na napaiyak si Jianne. Naghalo-halo na ang dahilan noon, kaba, takot, pagkadismaya, at kung anu-ano pang negatibong emosyon na lahat ay dahil lang kay Demetrius. A gentle knock came from the closed door of the bathroom. “Jianne?” Followed by a gentle voice calling out her name. Pero para kay Jianne, wala nang mas nakakakilabot pa sa mga iyon. Nataranta tuloy si Jianne, hindi malaman kung sasagot ba o magtatago. Hindi rin nakatulong ang sunod-sunod na pagkatok ni Demetrius. Kahit pa marahan lang ang mga iyon ay pakiramdam ni Jianne ay may dalang dagundong iyon sa dibdib niya dahil sa kabang nararamdaman. “No! You can’t let him find out that you heard them and now you’re afraid of him. Come on, self. Kalmahan lang natin. Kailangan natin ang mabuhay para pagbayarin ang mga demonyong ito!” Jianne muttered to herself. Alam niyang sa mga oras na iyon, hindi makatutulong ang takot niya. Bigla rin siyang inatake ng pagiging heroic niya. As a person who knew the acts of evil, she wanted to punish the evildoers on her own. Hindi dahil gusto niyang magpakabayani, pero dahil sa hindi kaya ng konsensya niya, kaya niya gagawin ang tumulong. Hindi naman kasi siya isang santo o bayani para gumawa ng kabutihan ng walang kapalit. She’s not a hypocrite. Pero kapag konsensya na niya ang damay, sa ayaw man niya o sa gusto ay gagawin niyang magpakabayani, huwag lang siyang kainin ng konsensya niya. “Are you okay? I heard you retching. If you do not answer me, I will forcedly open this door!” Demetrius warned dangerously even if his voice sounds the other way around. Natatarantang napatayo si Jianne sa pagkakasalampak niya sa malamig na sahig. nanginginig man ang mga kamay at nanghihina ang mga paa ay sinubukan ni Jianne ang maglakad papunta sa lababo. Bago niya binuksan ang gripo ay siniguro muna niya na hindi siya manginginig kapag nagsalita. “I’m fine,” medyo may kahinaang sagot niya sabay bukas ng gripo. “I think I ate too much. I threw up.” Pagkatapos magsalita ay naghilamos siya ng mukha. Nagmumog din siya ng bibig para maalis ang kakaibang lasa na nanatili sa kanyang bibig. Kahit pa nga alam niyang hindi naman iyon maaalis ng pagmumog niya dahil isa lamang iyong psychological taste dahil sa narinig. “Then I won’t disturb you now. By the way, I will leave Dr. Simon Grey’s contact number here on the table. But if you really feel unwell, just call my men outside and they will call Dr. Simon to come and check you up. He’s my personal doctor, by the way, so you can trust him.” Napairap naman si Jianne sa hangin. She would never call that a crazy, lunatic, perverted doctor. Kahit pa mag-fifty-fifty siya ngayon ay hindi siya papayag na malapitan ng baliw na doktor na ‘yon. She prefers dying to being touched by those filthy hands! “Then I will bother Dr. Simon in the future,” Jianne spat out each word between her teeth. Gosh! Kahit yata ang simpleng makipag-usap lang sa baliw na doktor na iyon ay hindi na katanggap-tanggap kay Jianne. Paano pa kaya ang makaharap ang doktor, baka bigla na lang tumakbo papalabas si Jianne at tumalon sa dagat para gamitin ang tubig alat panglinis sa mga mata niya. Maybe she would do that to cleanse her dirty mouth from talking with the filthy doctor. “Not a bother, Miss. Since you’ll be Mrs. Aquinas soon, then you will also be part of the Aquinas family which was under my care as the family doctor.” Kung hindi lang siguro narinig ni Jianne ang walang prenong mga salita nito kanina ay baka naloko din siya sa boses nito. However kind, gentle, and amiable he sound or even how he looks, Jianne will never forget his crazy voice when speaking about those disgusting actions that he proudly did. Fortunately, she already knew that he was a demon hiding in a human cloth. Katulad din ng amo nito. Jianne silently scoffed. What Mrs. Aquinas? Mas gugustuhin na lang ni Jianne ang magmadre kaysa ang mapangasawa ang isang demonyo. Kahit naman nangungupit siya, gusto pa rin ni Jianne ang mapunta sa langit kapag namatay siya. At alam niyang hindi iyon mangyayari kapag nadawit siya sa mga demonyong ito. “I need to leave and come with Dr. Grey, Jianne. You can sleep after or anything you want. I might come back in the morning. Let’s eat breakfast together,” muling tinig ni Demetrius. “Okay, Mr. Aquinas. Have a good night,” Jianne greeted with a scowl on her pretty face. “Hmm. Good night to you too, Jianne. Sleep early, okay?” “Hmm.” “Then we will get going.” Hindi na sumagot pa si Jianne at pinakinggan na lang ang ingay mula sa labas ng banyo. Rinig niya ang papalayo at papaalis na mga yabag hanggang sa marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. She waited for another two minutes before she sighed. “Tang*na. This is getting dangerous.” Marahas na napailing-iling si Jianne. Nandoon na siya, kung gusto niyang makaligtas, kailangan niyang panindigan ang lahat. Sa ngayon ay tanging ang magtiis lang ang magagawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD