“A-ANO NA naman ba 'yon?” kinakabahang tanong ni Jianne.
Ilang beses na ba siyang pinigilan nitong makaalis sa araw na ito? Hindi tuloy alam ni Jianne kung magsisisi na ba siya dahil sa ginawa niyang pagligtas sa lalaki dahil nga sa para itong isang inspektor sa dami ng tanong sa kanya.
Medyo hindi rin mapakali si Jianne dahil sa paraan ng pagkakatingin sa kanya ng lalaki. Kahit pa nga mayroon na itong dinudukot mula sa likod na bulsa ng suot nitong pantalon ay hindi man lang naalis ang mapanuri nitong mga mata mula sa kanya. Even the other hand that was holding her and preventing her from leaving was not releasing its grip.
“Kilala mo ba ang babaeng ito?” tanong ng lalaki.
Napaangat ng tingin si Jianne sa hawak na papel ni Ralph at agad na nanlaki ang mga mata ng agad niyang makilala ito. Iyon lang naman kasi ang pamilyar na poster ng kanyang doppelganger at ang dahilan din kung bakit siya kasalukuyang nasa kalagayan niya ngayon.
Iiling na sana si Jianne ng maalala niya na kahit ano pa ang gawin niyang pagtanggi ay mukhang wala naman na siyang magagawa kung ‘di ang tanggapin na lang na sa loob ng cruise ship na iyon ay hindi siya isang, ‘Jianne, the ordinary con artist’, kung ‘di isang ‘Jianne, the professional con artist’.
Kung iyon nga mismong nakasama at nakausap ang doppelganger niya ay hindi makilala at makita ang pinagkaibahan nilang dalawa. paano pa kaya ang third party na katulad ng lalaki.
Paniguradong magsasayang lang ng laway si Jianne kaya naman ang mabuti pa ay tanggapin na lang niya ang bagong katauhan.
“Ba’t ka pa nagtanong kung alam mo naman ang isasagot ko?” she grimly said.
Bitterness was flowing over her lips as she really felt bitter and sour with how dire her current situation is. Daig pa niya ang kumain ng ampalaya pagkatapos ay uminom ng kalamansi pampatanggal ng pait. Imbes na mawala ang pait ay humalo lang iyon sa asim.
That’s how awful she felt. Kung alam niya lang talaga na mamalasin siya sa araw na iyon ay baka hindi na siya mag-volunteer bilang artist sa misyon nilang ito. Baka hinayaan na lang niyang ang pinsan na si Keith na lang ang gumawa sa misyong ito.
But however much she regretted everything, it was too late. Sabi nga nila, palaging nasa huli ang pagsisisi. And for the first time, she could embarrassingly agree with the saying.
“Para makasiguro akong makakatanggap ako ng may katotohanang sagot,” the man said with a straight face.
Hindi naman magawang makatanggi ni Jianne sa sinabing iyon ng lalaki. Ang problema nga lang ay kahit naman sabihin niya ang totoo ay hindi pa rin naman siya paniniwalaan nito kaya hindi rin nakampante si Jianne sa sinabing iyon ng lalaki.
“Paano kapag sinabi kong hindi ako 'yan, maniniwala ka ba?” Jianne asked, testing the water.
Kahit alam niyang mauuwi lang siya sa disappointment, itinanong pa rin ni Jianne ang unang lumabas sa utak niya ng hindi niya alam kung paano sasagot.
Pero ano na lang ang gulat at panlalaki ng mga mata niya ng walang pag-aalinlangang napatango ang lalaki. “I will, if you say so,” he even said with conviction.
Bakas sa mukha ni Jianne ang gulat dahil sa walang kaduda-dudang ekspresyon ng lalaki ng magsalita ito. Unfortunately, everything was short-lived when the man added another question.
“But make sure that you have a factual reason that the lady in this picture is not you and someone else.”
That made the glint of hope in Jianne’s eyes dim. Mapait na napatawa siya sa kanyang isip. Ano pa nga ba ang inaasahan niya. Bakit nga naman umasa siya na paniniwalaan siya ng lalaki? Maybe because of so much hopelessness.
“Then might as well nod to confirm that your assumption is right,” blanko ang mukhang saad ni Jianne.
Tinitigan niyang maigi sa mata ang lalaki. Kahit pa nga sinabi na niyang tatango siya bilang sagot ay hindi siya kumilos at nanatili ang pakikipagtitigan sa lalaki.
She did not know for what, but maybe she wanted to test something. Maaaring gusto niyang subukin kung marunong bang manuri ng lalaki katulad ng big boss na iyon. Or maybe she wanted to know if the man could read between the lines.
Unfortunately, she only ends up disappointed again. Katulad din kasi ng isa sa inaasahan niya ay mukhang naniwala lang ang lalaki sa sinabi niya ng matapos nitong makipagtitigan sa kanya ay binitawan na rin sa wakas ng lalaki ang kamay niya.
“If this person is really you, then for what reason did Demetrius Aquinas come looking for you? What do you know about Demetrius Aquinas? About that group of men guiding those guests, alam mo kung anong gagawin sa kanila at kung saan man sila dadalhin? Tell me, what’s your relationship with that atrocious man?”
Hindi agad nakapag-react si Jianne dahil sa mga sunod-sunod na tanong ng lalaki. She was also surprised that the man actually knew how despicable and dangerous Demetrius was.
Pero ang nakapagtataka lang sa kanya ay kung bakit alam na pala nito na may kakaiba na sa grupo ng mga lalaking iyon pero sumama pa rin ito na parang isang maamong tupa na natukso ng isang nakabalat-kayong lobo papunta sa lungga ng mandaragit na lobo.
Mukha namang napansin ng lalaki ang gulat at pagtataka sa mukha ni Jianne kaya naman sa wakas ay nagpakilala na rin sa kanya ang lalaki.
“I am Ralph Russel Salve, but on this mission, I am called Dominic Hernandez. I am a secret agent well-known as Agent Wolf. Is that enough reason for you to trust me?”
Wala namang balak magpakilala ni Ralph. If not for the discomfort and unrest in her eyes, he would never have cared to introduce his name.
Ang mas nakakainis lang ay hindi lang niya basta-basta sinabi ang tunay na pangalan imbes na ang fake identity niya lang. Maging ang pagiging secret agent niya at ang codename na dapat pinaka-iingatan ng mga secret agent at spy na katulad niya ay parang bulaklak na basta na lang niya ibinigay sa babae.
The top rule of a secret agent is to never share your identity with anyone, including your teammate. Pero heto nga at walang pag-aalinlangan niyang sinabi ang kanyang codename na dapat ay tanging siya lang at ang mga nakatataas sa kanilang agency ang nakakaalam.
Not even his teammates and friends, Paulo and Xyra did not know his codename. Kahit pa nga halos anim na taon na rin silang teammates. His identity as Agent Wolf is now the deepest secret that he and the agency’s head are hiding.
But why is that, he just spouts his identity towards the woman like he’s just spouting some nonsense? And what makes it more flabbergasting for Ralph is the fact that he had only met the woman for about two days or so!
Just what the hell’s going on with him? For this woman, he had already broken so many of his principles, and now even the promise he made with his agency wasn’t kept in secrecy just for the same woman of whom he only knew the name.
Well, hindi nga siya sigurado kung ang nakuha ba niyang pangalan ay ang tunay na pangalan ng babae. At maging ang pagkakaalam niya tungkol sa pangalang iyon ay dahil lang din sa isang hindi inaasahang pangyayari.
The night after their fateful first meeting, Ralph and his company decided to eat dinner together. Matapos pumili ng restaurant na kakainan si Xyra ay nagsimula na silang mag-order. At habang naghihintay sila sa pagdating ng pagkain nila ay hindi sinasadyang marinig ni Ralph ang usapan ng mga babae sa isang table hindi kalayuan sa table nila.
“Did any of you see the commotion just this afternoon?” a blonde-haired youngster asked her friends.
“What commotion?” the short-haired asked.
Overrated na napa-singhap naman ang babaeng blonde. “Oh my gosh, you didn’t see? It was actually kind of hilarious, especially when the woman was doing a tug-of-war with those big guys.”
“Oh! Oh! You mean that so-called wife of one of the VIPs who was trying to hide from her husband but was soon found by their bodyguards? I also watched that scene! I was about to leave a*****e when I saw those big men in black dragging a lady. I thought it was some k*dnapping, but since everyone’s minding their own businesses, I also mind my own. So it was actually like that!” another blonde woman with red highlights interjected.
Agad na nabawi ni Ralph ang tingin ng marinig niya ang pagsingasing ni Xyra. “Women and their hobby of gossiping.”
“Kung makapagsalita ka naman ay parang hindi ka rin babae,” saad naman ni Paulo ng hindi nag-aangat ng tingin mula sa selpon.
“Hindi talaga! Kulang na lang naman sa akin ay lawit kaya kung hindi mo lang naman gagamitin ‘yang iyo ay mabuti pang i-donate mo na lang sa akin ‘yan ng mapakinabangan.”
“Tarant*do!” inis na asik ni Paulo na binigyan pa ng isang malutong na dirty finger ang kaibigan.
Malakas na natawa lang naman si Xyra at hindi na nagsalita dahil nga sa wakas ay nakarating na rin ang pagkain nila. Habang inilalapag ng waiter ang mga pagkain ay wala sa sariling napasulyap ulit si Ralph sa table ng mga babae kanina at agad siyang napahinto ng makita ang isang imahe ng babae mula sa hawak na poster ng naka-blonde na babae sa kabilang table.
Hindi puwedeng magkamali si Ralph. Pamilyar talaga ang babaeng nasa poster. Iyon ang babaeng nagnakaw lang naman sa kanya ng halik at ng kanyang wristwatch. Maliban lang sa kulay itim nitong buhok ay kaparehong-kapareho talaga ng babaeng nasa poster ang babaeng iyon.
To clarify it more, Ralph stood up from his seat as he walked towards the table of the ladies. Hindi na muna niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng mga kaibigan at agad na nilapitan ang babaeng blonde na may hawak ng poster.
“Excuse me, ladies,” mala-gentleman na pagsingit ni Ralph sa mga ito. “I may sound rude, but can I have this poster?”
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Ralph at diniretso na niya sa pakay niya ang mga ito ng magsilingunan ang mga babae sa kanya. Hindi rin naman siya ang tipo ng paligoy-ligoy.
“Well, you can. But in return, you have to tell us the reason why you wanted this poster,” pakikipag-deal naman sa kanya ng blandina.
Saglit na napaisip si Ralph. “She got something from me that she did not return. I am planning to make her pay, so I needed this poster to find her. Is that enough?”
Malawak na nginitian naman siya ng babaeng blonde ang buhok bago misteryosang nakipagtitigan sa mga kaibigan. Magsasalita na sana ulit si Ralph ng akala niya ay hindi ibibigay sa kanya ng babae ang papel pero naitikom niya ang bibig ng nakangiting iniabot nito iyon sa kanya.
“There you go, mister. But let us remind you to be careful. It looks like the woman’s husband is hard to offend.”
Hindi man naintindihan ni Ralph kung ano ang ibig sabihin ng babae sa sinabi niyang iyon pero nagpasalamat na lang siya at muling bumalik sa table nila pagkatapos itago sa likod na bulsa ng suot na pantalon ang tinupi-tupi ng poster.
“Jianne huh? And married?” Ralph thought and a memory flashes in his mind making him smile. “Only by finding you will I found out.”
And that’s how he got to learn her name. Nakalagay kasi sa poster ang buong pangalan ng babae. Hindi niya nga lang inaasahan na makikita niya kaagad ang babae kinabukasan ng walang kahirap-hirap. Ang akala pa naman niya ay mahihirapan pa siyang hanapin ito.
Napansin ni Ralph na biglang bumakas ang pagkataranta sa mukha ng babae pagkarinig nito sa katauhan niya bilang isang agent. Hindi niya nga lang sigurado kung para ba sa sarili iyon o sa iba.
“Don’t worry, I am not here to catch you. Sa ngayon ay ikaw lang ang nag-iisang lead namin para malaman pa ang ilang bagay tungkol sa plano ni Demetrius. Hindi man magandang pakinggan, pero magagamit ka namin para sa tagumpay ng operasyong ito, Jianne.”
Parang tinambol naman ang dibdib ni Jianne ng marinig ni Jianne ang pangalan mula sa bibig ng lalaki. “He really has a handsome voice,” she muttered to herself.
Kung kaninang pagkarinig niya sa pangalan nito at sa katauhan nito bilang isang sceret agent ay matinding pagtibok na agad ng kanyang dibdib dahil sa takot ang nararamdaman niya, ngayon nga ay nagkaroon na naman ng panibagong dahilan.
She’s really smitten. And Jianne knew it was bad. Gustuhin man niyang pigilan ang sariling mapalalim pa ang nararamdamang atraksyon sa lalaki ay hindi naman niya magawa.
Hindi dahil sa hindi niya alam kung paano, kung 'di dahil sa ayaw niya lang talagang pigilan. Nagugustuhan niya kasi ang pakiramdam na iyon. And she was getting curious as to how far that attraction might bring her.
Naniniwala kasi siya na kapag lalo mong pipigilan ang isang bagay, mas lalo lang iyong mangyayari. So before it could cloud her reason, she would fight it by letting those feelings go with the flow.
Nakasisigurado naman siya na kapag alam niyang sa iba na ang patutungahan noon ay magagawa pa rin niyang iliko ang sarili.
“At ano naman ang mapapala ko sa sinasabi mo, maliban sa hindi mo ako ipapakulong, Mr Agent Wolf?” tanong ni Jianne matapos ng ilang segundong katahimikan.
“Freedom and protection,” mabilis na sagot ni Ralph. “I know your current situation. Kahit hindi mo sabihin, alam kong hindi mo ginusto ang kinalalagyan mo ngayon. And once you cooperated with me by telling all the information you knew about Demetrius Aquinas and his dirty businesses, I will provide you with freedom and protection on my own.”
Napangiti naman si Jianne sa narinig. What a wonderful conditions. Sino ba naman ang makakatanggi sa ganoon?