KABANATA 13

1105 Words
HINIHINTAY na ako nina Jax at Mr. Jose De Guia nang marating ko ang garden. Nahirapan akong sundan agad si Jax dahil sa malalaki niyang hakbang. Mabuti na lang at hindi ako nawala sa daan. Kapwa sila nakatayo habang naghihintay sa paglapit ko. Lalong dinaga ag dibdib ko sa kaba. “Maupo ka, Maddie,” nakalahad ang kamay na wika ni Mr. Jose ngunit maagap na hinawakan ang braso ko ni Jax. Hindi pa rin maganda ang mood ni Jax kahit na inalalayan niya ako. Napailing na lang ang daddy niya. Nang makaupo ako ay umupo na rin si Jax. “So, you are saying na pakakasalan mo ang anak ko, tama ba, Madelline?” tanong ni Mr. Jose De Guia. “Hindi naman siguro ako nagkamali ng dinig kanina.” Dahan-dahan kong tinitigan ang kabuuan ng mukha ni Mr. Jose De Guia. Bakas pa rin ang kagwapuhan nito kahit na kaedad ni daddy ang lalaki. Sa pinagsamang genes nito at ng pumanaw na asawa ay halos perpekto ang naging resulta sa katauhan ni Jax. Mahina akong tumikhim. “Yes, sir.” “Drop the formality, Maddie. You look like a daughter to me. I remember, whenever I saw you with Lucas, I silently asking for a daughter but unfortunately my wife died in a very unexpected time. But you know, I’m happy and contented to have Jax as my son. Sino ba naman ang mag-aakala na magiging anak nga kita sa oras na pakasalan ka ng aking anak.” “Dad – “ si Jax. Tila nais nitong pigilan ang ama sa nais pang sabihin. “Oh, my bad. Actually, the idea that you two are getting married, excites me. Imagine, magiging anak ang anak ng matalik kong kaibigan? I think Lucas is so excited to make this wedding happen. How about you, son?” Bumaling ito kay Jax. Jax softly groaned. Parang ayaw niyang sagutin ang tanong ng kanyang ama. “Sir De Guia – “ “Call me Tito, Maddie. Kapag nakasal na kayo ay dadd na rin ang itatawag mo sa akin. Okay?” “Okay po, Tito,” mahina kong usal saka naman maluwang na ngumiti ito. “So, kailan ang kasal?” Nanatiling walang imik si Jax kaya naman nagpalipat-lipat na naman ng tingin si Tito Jose sa ming dalawa. Inaabangan niya kung sino ang nais magsalita o sumagot ng tanong niya. “Tito – “ “Next week, dad,” singit ni Jax. “The sooner, the better.” Pinanliitan ko siya ng mata nang magtagpo ang paningin namin. Sasagot din naman pala, sinabayan pa ako. “May I know why?” kyuryusong tanong ni Tito Jose. “She might be pregnant, dad. That answer your question,” dire-diretsong tugon ni Jax. Hindi niya ako hinayaang sumagot samantalang kanina lang ay hindi na niya gusto pang ipagpatuloy namin ang nasimulang pagpapanggap. What a beast! “Oh, really?” pinaghalong pagkagulat at pananabik ang naisatinig ni Tito Jose. “My God! Bakit ngayon niyo ipinagtapat ang relasyon niyo? Kailan kayo nagkakilala? Paano nabuo ang relasyon niyo? May alam ba si Lucas tungkol sa inyong dalawa?” Muli kaming nagkatinginan ni Jax at ako ang unang nag-iwas ng tingin. Tutal, nagsalita na naman siya, dapat ituluy-tuloy niya na lang. “Why don’t you ask, my baby, dad?” Nakataas ang isang bahagi ng labi niya nang ngumiti. Hinahamon talaga ako ng loko! Tinitigan niya lang ako ng mariin hanggang pati ang daddy niya ay nakatutok na sa akin. Hinihintay nila pareho ang sasabihin ko. Nagbuga ako ng hangin. Pilit kong ginagalugad ang utak ko. Hindi ako maaaring magkamali sa isasagot dahil mahirap na magkaroon ng problema. “Maybe we can talk about it later, Tito. You know,” I clung my hand to Jax arm, “Jax and I wanted to have a private space, right, baby?” “Oh!” bulalas ni Tito Jose saka mahinang tumawa. “Iba na talaga ang panahon ngayon. No’ng kapanahunan namin, hindi man lang ako pwedeng humawak sa kamay ni Margareth hangga’t hindi kami naikakasal. Pero ano nga ba ang magagawa namin ni Lucas? Magulang niyo lang kami at nasa tamang edad na kayong dalawa para sa inyong kinabukasan.” Tumayo na ito. “Bueno, maiwan ko na muna kayo. May kailangan lang akon kausapin. Kung kailangan niyo ng tulong para sa paghahanda ng kasal niyo, huwag kayong magdalawang-isip na magsabi sa akin o kahit kay Lucas. But knowing my son, alam ko na higit na maraming paraan ‘yan kaysa sa akin.” Tumayo ako. “Salamat po, Tito.” “Ako ang dapat magpasalamat sa ‘yo, Maddie. Sa wakas, matutupad na rin ang kahilingan kong magkaroon ng isang babaeng anak at sana totoo ngang nagdadalang-tao ka na upang ako ang mag-alaga sa magiging apo ko. Malakas pa naman ako eh,” anito at mahinang tumawa. Sabay niya kaming tinapik sa balikat ni Jax na nakatayo na rin pala. Nang makalayo na si Tito Jax ay agad akong hinawakan ni Jax sa kamay at saka hinila. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero dahil hawak niya ako ay wala akong nagawa kung hindi sumunod na lamang sa agos. Akala ko ay sa silid na pinagdalhan niya sa akin kami pupunta ngunit may makipot na pinto kaming dinaanan. Parang daan iyon patungo sa basement. Nabuhay ang kakaibang kaba at takot sa dibdib ko. “Saan moa ko dadalhin?” sa wakas ay sambit ko. Hindi siya sumagot. Madilim na ang bahaging binabagtas namin pero hindi niya naman ako binibitiwan. “Jax!” Sa isang sandali lang ay isinandal niya ako isang matigas na kahoy saka walang babalang sinalakay ang labi ko. Naging mapangahas din ang kamay niya sa ibabaw ng dibdib ko. Walang kahirap-hirap na naiupo niya ako kung saan niya ako sinandal saka itinaas ang suot kong damit pang-itaas kasunod ng pagkapa sa pang-ibaba ko. What is he thinking? Nang kinapos kami ng paghinga dulot ng halik na pinagsaluhan namin ay biglang bumukas ang ilaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga salamin na nakapalibot sa amin. Kitang-kita ko ang halos hubad kong katawan na hindi ko namalayan kung paano nagawa ni Jax ‘yon sa maikling sandali. “This is your punishment. Now, you only allow to look at the mirror while I’m pleasuring you. No buts and no ifs.” “Ahm…ah!” ani ko sa pagitan ng pag-ungol dahil nasa ibaba ko na agad siya at hinahagkan na ako roon. Gusto kong takpan ang mata ko ngunit mas lalo ko lang naituon sa salamin ang paningin ko dahil sa imahe naming dalawa ni Jax.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD