“M-MOMMY…” Napahikbi ako nang magsimula akong humakbang palapit sa kanya. Saglit lang akong niyakap ni daddy saka tumango bilang signal na kailangan ko ng lapitan si mommy. Malakas pa ring humagulhol si mommy. Bahagyang lumikot si Maxie kaya naman agad na lumapit sa akin si Manang Risa upang kunin ito. Lumuhod ako saka yumakap sa tuhod ni mommy. Naglandas na ang mga luha kong walang patid. Hindi ko pala talaga kaya na makita si mommy sa ganoong kalagayan. Labis akong nasasaktan. Parang nabibiyak ang dibdib ko. “Maddie, anak…” tawag sa akin ni mommy. Nang mag-angat ako ng tingin ay lumuluhang inilahad ni mommy ang mga bisig niya upang yakapin ako. I hurriedly move to hug her. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap habang umiiyak. Tila ayaw tumigil ng pagbuhos ng mga luha

