“I love you so much, my Mrs. De Guia,” wika ni Jax sa mahinang boses. Marahan kong hinaplos ang buhok niya habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha. Ngumiti ako kasabay ng pagdaloy ng luha ko sa mata. Bakit nga ba hindi ko man lang na-realize na napaka-swerte ko? Isa lang naman na natatanging lalaki ang napaibig ko at handang iligtas at magpakamatay para lang sa akin. Agad na pinahid ni Jax ang luha sa pisngi ko. Bakas ang pag-aalala sa mga mata niya. “What’s wrong?” Napalunok ako. “Sorry…” Napahikbi ako. Tila may kung anong bikig sa lalamunan ko na bigla na lang humarang at hindi ko maituloy-tuloy ang nais kong sabihin. Sinapo niya ang mukha ko saka ngumiti. “Babe…it’s okay.” Hinawakan ko ang kamay niya at idiniin lang lalo sa pisngi ko. “Sorry, dahil hindi ako agad naniwala sa

