UMUWI kami sa De Guia mansion na masaya ang puso. Jax always held my hand as if we’re always connected. Kahit sa simpleng pag-iisa ng kamay namin ay nararamdaman ko ang kakaibang damdamin ko para sa kanya. Masaya ako kapag kasama ko ang asawa ko pero dahil isa siyang De Guia, maraming responsibilities ang nakaatang sa kanyang balikat. Pwede naman na hindi siya maging abala sa lahat ng trabaho upang makasama ako dahil ‘yon ang sinabi niya sa akin no’ng hindi pa kami naikakasal subalit dahil kailangan ng presensiya niya sa isang malaki at panibagong project ay wala siyang magawa. Natatawa na lang ako sa tuwing magpapaalam siya sa akin na hindi maipinta ang mukha. Mas pipiliin niya raw na makasama ako sa loob ng silid namin kaysa pumunta sa opisina ngunit wala siyang choice. Sinabi ko na l

