KUNG may langit mang matatawag sa earth, ang makapiling ang isang Jax De Guia na marahil ang siyang langit ko. Kahit na balik na siya sa trabaho ay ipinaparamdam niya sa akin na isa siyang responsableng asawa. Matutulog ako sa gabi na yakap-yakap niya at magigising naman ako sa umaga dahil sa mainit niyang halik. Sabay kaming kakain ng almusal with Dad Jose saka aasikasuhin ko na ang susuotin niya papasok sa trabaho. Pinayagan niya rin ako na bumalik sa hotel habang hindi pa handa si Andrew. Ang tanging pakiusap niya lang ay bigyan ko siya ng isang linggo – na sa mansion lang upang makapagpahinga. Wala naman naging problema sa part ko. Iginagalang ko ang kahilingan ni Jax bilang kanyang maybahay. Actually, na-e-enjoy ko ang pagsilbihan ang asawa ko mula sa pagtulong sa paghahanda ng almus

