NAGING bahagi na ng routine ko araw-araw ang makasama si Jax sa pagpasok ng opisina at sa pag-uwi. Hindi naman siya nagtangka pa na ihatid ako mismo sa loob ng opisina ko dahil once na makapasok na ako sa building ay agad rin na siyang aalis. Kahit pa sabihing si Jax ang CEO ng De Guia Corporation, isa pa rin siyang anak na handang protektahan ang pagmamay-ari ng kanilang angkan. Alam ko kung gaano niya pinahahalagahan ang mga bagay na nasa kanyang buhay. Marahil iyon ay dahil sa kanyang in ana maagang pumanaw. He really learned something valuable from it. Maagang kinuha sa kanya ang kabataan n asana ay kasama niya ang kanyang ina. Bumaling ako sa kanyang nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Abala siya sa pagmamaneho at nakatingin sa daan ngunit mahigpit niyang sinakop ang kamay ko.

