“HOW is it, anak?”
Muntik na akong sumigaw ng malakas. Hindi ko akalain na naghihintay pala sa akin si dad sa mismong pintuan ng aming bahay. Alas nuebe na ng gabi at kadalasan ay nasa silid na ito upang magpahinga. Dapat ay mas maaga akong makakauwi kung hindi lang dahil kay Jax na nagpahanda pa ng dinner para sa aming dalawa. Doon ko lang nakita ang mga kasambahay nila na hindi ko mabilang.
“D-dad? What are you doing here?” tanong ko kasabay ng malakas kong pagbuga ng hangin. Hawak-hawak ko ang dibdib ko dahil sa pagkagulat.
“I am waiting for you, anak.” Maluwang itong nakangiti habang nakahalukipkip. “Umalis na ba si Jax?”
“Opo.” Tinungo ko ang sofa saka umupo. “Bakit gising pa po kayo?” Si mom?”
“Nagpapahinga na ang mommy mo sa kwarto. Ako naman ay gising pa dahil hinintay talaga kita. Gusto ko lang makasiguro na makakauwi ka ngayon gabi.”
Napakunot ako sa sinabi ni dad. “Inisip niyo bang hindi ako makakauwi?”
“Well, kilala ko ang kaibigan kong si Jose. Sabik siyang magkaroon ng anak na babae. Tiyak na tuwang-tuwa iyon nang makita ka.”
“Opo. Tinatanong nan ga agad kung kailan ang kasal namin ni Jax eh.”
“So, kailan nga ba, anak?”
“Bakit parang mas excited pa kayo, dad?” Si dad talaga minsan hindi ko mawari. Mahigpit siya sa akin noon pagdating sa mga lalaking nais mangligaw sa akin ‘tapos ngayon halos ibenta ako sa anak ng kaibigan niya.
“Alam mo, anak,” hinawakan niya ang kamay ko, “ikaw talaga ang isa sa swerte sa pamilya natin.”
“Nambola ka pa, dad.” Tumayo na ako. “Matutulog na po ako. Kunwari akong humikab.
“Oh, sige, anak. Good night,” ani ni dad. Bakas pa rin ang kasiyahan sa kanyang mukha.
Tinungo ko ang silid ko at mabilis na kumilos upang maghanda ng pamalit na damit. Nais kong magbabad sa bath tub. Kailangan kong ma-relax upang makatulog ako ng maayos ngayong gabi. Mahirap na. Tila isang torture ang ginagawa sa akin ni Jax.
Nakahubad na ako lahat-lahat ngunit biglang lumitaw ang imahe ni Jax habang nagbibigay ng sariling kasiyahan. Shocks. Malakas akong napamura nang makita ang bahagi ng katawan ko na namumula. Tila mga bilog iyon na humulma. Talagang nag-iwan ng marka si Jax sa leeg, puno at ibaba ng dibdib at sa hita.
Agad akong nagbabad sa bath tub. Ipinagkrus ko ang dalawa kong kamay sa dibdib ko na tila ano mang oras ay may dadapo roon. Ipinikit ko ang mata ko ngunit iisa lang ang nakita ko. Ang nakakaakit na mukha ni Jax na nakatingin sa akin.
S**t! Kahit sa isip ay binubulabog ako ni Jax. Paano ako makakalma nito? Sinubukan kong muling ipikit ang dalawa kong mata ngunit pauilit-ulit na mukha ni Jax ang nakita ko. Dahil wala na ako sa mood ay mabilis na lang akong nag-shower. Thankful ako dahil nahimasmasan na rin ako.
Paglabas ko ng banyo ay agad na akong nagbihis at tinuyo ang buhok ko gamit ang blower. Gusto kong abalahin ang sarili ko upang mapagod ako at makatulog na lang ng walang aberya. Pakanta-kanta pa ako dahil naisip ko na bukas ay balik na ako sa trabaho. Pansamantala ko munang makakalimutan ang Jax na ‘yon. Oo nga at magpapakasal kami ngunit wala pa namang malinaw na usapan kung kailan kaya hangga’t hindi pa kami nakakasal ay aabalahin ko muna ang sarili ko.
Dulot ng excitement ay napangiti ako. Sakto naman na tuyo na ang buhok ko kaya dumiretso na ako ng kama. Naalala ko ang mobile phone ko kaya hinanap ko iyon. Nakahinga ako ng maluwag nang makuha iyon. Napagpasiyahan kong magpatugtog mula sa playlist ko sa phone. Mahina lang ang volume, ‘tipong pampatulog lang.
Sigurado na akong makakatulog kaya bahagya pa akong tumagilid katulad ng pwesto ko kapag natutulog. Refresh na refresh ang feeling ko. Ipinikit ko na ang mata ko ng may ngiti sa labi. Ang mahinang tugtugin na sumasaliw ay napakasarap sa tainga. Mabuti na lang talaga at naisipan kong makinig ng musika.
Unti-unti nang umiindayog ang imahinasyon ko sa kung saan nang bigla na lang nawala. Nagtatakang inabot ko ang phone na ipinatong ko sa mesa. Kaya naman pala tumiglil ang pinakikinggan kong tugtugin dahil may isang tila multo na tumatawag. Walang iba kung hindi si Jax De Guia. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng numero niya. Wala rin akong maalala na hiningi ko iyon mula sa lalaki. Para talagang may multo na nais makipaglaro sa akin. As in literal.
Pinakatitigan kong mabuti ang screen ng phone ko. Kunot ang noo kung iniisip kung sasagutin ko ba o hindi. Sa huli ay mas pinili kong hintayin na lang na mawala ang tawag. Muling pumailanlang ang musika kaya nakabuga ako ng hangin. Tila isang delubyo ang bigla na lamang dumating at nawala rin ng isang iglap.
Siguro naman hindi na muli pang tatawag ang Jax na ‘yon. Iisipin niya siguro na tulog na ako kaya hindi na siya mang-iistorbo pa. Sunud-sunod na katok sa pinto ang nagpabangon sa akin.
“Maddie, gising ka pa ba?” boses iyon ni dad. Muli siyang kumatok.
Padabog akong tumayo at tinungo ang pinto. “Yes, dad? What is it?” May hawak ‘tong phone na nasa tainga.
“Okay, gising pa ang anak ko.” Bumaling na si dad sa akin. “Tumawag sa akin si Jax. Tinatanong kung gising ka pa. Eh, tumatawag daw siya sa ‘yo, hindi mo raw sinagot. Pinuntahan kita rito just to make sure kung tulog ka na o hindi pa.”
“Dad naman…natural magigising ako kasi kinatok mo ako,” reklamo ko.
“Tatawagan ka raw niya. Sige, babalik na ako sa kwarto. Good night, anak.” Iyon lang ang sabi ni dad at umalis na.
Kasabay niyon ang pagtunog ng phone ko. I rolled my eyes with disappointment. Dahan-dahan akong umupo sa kama saka kinuha ang phone at pinindot ang green button.
“What?”
“Hey, baby?”
“Bakit ka napatawag?” inis kong tanong.
“Want a phonesex with me?”
Napanganga ako sa narinig mula sa kabilang linya. “P-phonesex?” Are you crazy?!”
“No, I’m not. But maybe…crazy for you,” aniya saka mahinang tumawa. “Are you ready? I’m already turn on by just hearing your voice.”