“WHAT are you doing?” saway ko kay Jax nang bigla na lang niyang i-lock ang pinto saka hinapit ang bewang ko palapit sa kanyang katawan. “S-si Maxie…hindi ba at – “ Hindi ko na nasabi ang nais kong sabihin dahil tuluyan na niyang sinakop ang labi ko. Unang hagod pa lang ng labi niya ay alam ko na ang gusto niyang mangyari. “J-Jax…” Pilit ko pa rin siyang pinipigilan kahit na nadadarang na ako sa init na kumakalat sa aking kabuuan. Sa wakas ay binitiwan niya ang labi ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong sumagap ng hangin. “Ang sabi ni manang, tulog si Maxie. Mamaya na natin siya puntahan sa silid niya, hmn?” Agad kong hinarang ang labi niyang handa na namang sumalakay ng kamay ko. “Ang sabi ng doctor kailangan mong magpahinga para gumaling ka na ng tuluyan. Bakit ka ba nagmamadali? Nandi

