WALA na. Tapos na. Pagkatapos ng lahat, iniwan pa rin ako ni Maddie. Ang sakit. Walang kasing-sakit. Para akong isang bata na naagawan ng kendi dahil sa walang tigil kong pag-iyak. Imagine, napakalaki kong tao pero marunong pala akong umiyak ng walang katapusan. Iniwan na ako ni Maddie. At kahit na ano pa ang gawin ko ay hindi na muling maisasakatuparan ang pangarap ko na maging buo ang pamilya namin. Nakasalampak ako sa sahig habang nakatanaw sa labas kung saan dumaan si Maddie. Nandito pa rin ako sa rest house. Gusto ko siyang habulin at magmakaawa. Gusto kong paulit-ulit na sambitin na siya lang ang babaeng minahal ko. Siya lang. Wala ng iba. Wala na. Wala na talaga. I’ve waited for three years pero parang bula na lang nawala ang pag-asa na matagal kong inalagaan sa puso ko. Paa

