NANINGKIT ang mata ni Jax kabaligtaran ng sa akin. Naestatwa ang buo kong katawan dahil sa pagkakadikit ng labi naming dalawa. Iginilaw ko ang mga braso kong naipit sa dibdib niya upang itulak siya. Hinayaan niya ako. Ipinagtaka ko nang luwagan pa niya ang pagkakahawak sa akin. Ang buong akala ko ay pakakawalan na niya ako subalit naging dahilan lamang iyon upang sabay kaming bumagsak sa ibabaw ng kama.
Lumipat ang kamay niya sa baywang ko. Inilayo ko naman ang labi ko sa kanya. Malakas akong suminghap ng hangin nang sulyapan niya ang dibdib ko. Muntik ko ng makalimutan na tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan ko. Pinagpiyestahan ng mata niya ang dibdib kong kulang na lang ay lumuwa na sa tuwalya.
“Let go of me,” pinanliitan ko siya ng mata. “I need to wear my clothes!”
“What if I don’t want to let you go?” Humigpit pang lalo ang pagkakahawak niya sa bewang ko. “I really like you on top of me.”
“Are you insane? Hindi mo ba alam ang salitang privacy? Bakit ka pumasok sa silid ko? Paano ka nakapasok rito, in the first place?” sunud-sunod na tanong ko samantalang nakangiti lang siya habang titig na titig sa mukha ko.
“I have my ways, Madelline Medina De Guia.”
“I’m not a De Guia! Isa akong Medina.”
“Soon Mrs. Madelline De Guia,” pagtatama niya. “Ngayon pa lang nasasabik na ako sa maaaring mangyari sa honeymoon natin.”
“In your dreams, Mr. De Guia!” Itinukod ko ang kamay ko sa dibdib niya saka umahon. Ang pang-ibaba kong katawan ay nanatiling nakadikit sa kanya.
“So, paano mo ipapaliwanag ang nalalapit mong kasal sa mommy mo? She’s waiting for us downstairs, baby. Kaya kung hindi ka pa magmamadali ay baka puntahan na niya tayo rito.”
Tama siya. Kaya narito si Jax ngayon ay upang patunayan ang kasal na magaganap sa pagitan naming dalawa. Si dad ang nagplano niyon ngunit hindi ko alam na maaga siyang pupunta ngayon sa bahay. Pumasok pa siya sa loob ng kwarto ko ng hindi ko alam! What an intruder!
“Alright, magbibihis na muna ako. Mauna ka na lang muna sa ibaba. Baka kung ano pa ang isipin nila kung matagalan pa tayo rito. Bitiwan mo na ako – “
“No. Unless you kiss me.” May kakaibang kislap ang mata niya kasabay ng marahang pagtaas-baba ng kamay niya sa bewang ko.
“Are you kidding? Hindi ito ang tamang oras sa mga gusto mo, Mr. De Guia. So, please lang. Let me go so that I can dress myself. O hihintayin mo munang umakyat dito sina mommy at daddy para makita tayo sa ganitong posisyon?”
Nagkibit-balikat siya. “Why not? Ayaw mo no’n, hindi na tayo mahihirapang magpaliwanag sa mommy at kapatid mong si Andrew.”
Lihim akong napamura. Kahit anong sabihin ko ay may resbak ang lalaking ito. Negosyanteng-negosyante ang dating. Lahat na lang ng bagay ay may kapalit.
“What do you want me to do?”
“Kiss me,” mabilis niyang wika.
Mukhang wala na talaga akong pagpipilian. Kahit na anong pakiusap ko ay hindi niya pakikinggan hangga’t hindi nakukuha ang gusto niya. Mahina akong nagbuga ng hangin. “Okay.” Unti-unti akong bumaba sa mukha niya. In fairness, gwapo talaga ang loko. Lalo pa ngayon na nakangiti siya habang nakatitig sa akin.
Marami na akong nakitang gwapo at masasabi kong kakaiba ang kagwapuhang taglay ni Jax De Guia. Very manly. Maskulado. Malaki ang pangangatawan at walang maipipintas sa katawan kahit na ang nasaksihan kong bahagi ng katawan niyang minamasahe niya.
Hindi man lang siya tuminag sa pagkakahiga. Tila hinihintay niya talaga na bumaba ang labi ko sa kanya. I’ve never been kissed until I met this man. Para lang matapos na ang lahat at tutuparin ko ang hiling niya. Napalunok ako nang maamoy ang mabango niyang hininga. Parang hinihigop din ako ng malagkit niyang tingin kaya bigla akong nailang.
Akma akong lalayo ngunit mas mabilis niyang kinabig ang ulo ko upang magtagpo ang mga labi namin. Nang magdikit ay kusa ng gumalaw ang labi upang bigyang daan ang dila niya papasok sa bibig ko. Natikman kong muli ang tamis na dulot niyon kaya hindi nagtagal ay ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng pagnamnam ng pag-iisa ng labi namin.
Hindi ako marunong humalik pero nagawa niyang pasunurin ako. Bawat pag-ikot, paggagad, paggalugad at pagsipsip niya ay unti-unting kong natutunang gayahin. Bagama’t nahihirapan akong sundan ang ginagawa niya ay naging mahaba ang pasensiya niya. May mga sandali na pinapasinghap niya ako saglit ng hangin upang makahinga ng maayos saka naman maghahalikan ulit. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong humugot ng paghinga upang maihanda ang labi ko sa paglapat sa labi niya hanggang sa maramdaman ko ang marahang paghaplos ng kamay niya sa pang-upo ko.
Ang isa naman niyang kamay ay humahaplos sa balakang ko. Tuluyan ng na-distract ang isipan ko. Itinutuon ko ang atensiyon ko sa pagtugon ng halik niya ngunit napapasinghap ako sa bawat haplos ng dalawa niyang kamay. Ramdam ko na ang pagkalat ng init sa bawat himaymay ng ugat ko. Iyon ang init na lumukob sa kabuuan ko noong una kong makita si Jax. Tila nalulunod ako na hindi ko mawari.
“What is happening here?” mabagsik na boses iyon ni mommy. “Madelline?!”
“Mommy?” Nilingon ko ang pinto at ganoon na lang ang pagdidilim ng mukha ni mommy. Nasa tabi niya si daddy at sa likod naman si Andrew. Nilukuban ako ng hiya. Sa posisyon namin ay nagmukhang ako ang nag-initiate na may mangyari sa amin ni Jax. “Let me explain, mommy! Hindi ko – “
“There’s no need to explain, Maddie. Bumaba na kayong dalawa at pag-uusapan na natin ang kasal niyo! Ngayon na!” Tumalikod na ito agad ngunit nag-iwan ng nanlilisik na tingin. Sumunod agad sina dad at Andrew.
Nanlalatang bumagsak ako sa malapad na dibdib ni Jax. Para akong nawalan ng lakas.
“It will be alright,” bulong ni Jax saka hinaplos ang buhok ko. “Trust me, baby.” Everything will be fine.”