SIMULA nang magising si Divina mula sa coma ay ramdam niya ang bagong pag-asa na gagaling siya. Sa tulong ni Doc. Oscar Marasigan. Sa lahat ng oras ng chemo niya ay naroon ang binata. Para tuloy silang halos hindi na maghihiwalay. Kahit na andoon ang lola niya ay palagi pa din siyang binabantayan ng binata.
Isang magandang balita ang nalaman niya. Malapit ng ikasal ang Ate Diane niya kay Chairman Ryder Sable. Maswerte din ang kapatid na nakatuluyan ang lalaking gusto nito.
"Hindi ko alam, ate. Kung makakauwi ako diyan. Sayang wala ako sa kasal mo," malungkot na sabi niya sa Ate Diane niya. Kausap niya ito tru video call at tinatanong kung makakauwi siya sa araw ng kasal nito.
"Kung dahil iyon sa kalusugan mo. Walang problema sa akin kung hindi ka makakauwi. Tandaan mo na importante ang kalusugan mo. Kami ng Ate Devyn mo ay mahal na mahal ka. Naghihintay kami sa pag uwi mo dito sa Pilipinas. Miss na miss ka na namin."
Tuluyan ng bumagsak ang luha ni Divina. Nalulungkot siya na wala siya sa pinakaimportanteng bahagi sa buhay ng kapatid. Pero isa siya sa pinakamasaya para kay Diane.
"Huwag ka ng umiyak, bunso. Makakasama ka pa namin. Uuwi ka dito na wala ng sakit at malakas. Makikipaglaro ka kay Wenna. At tutulungan mo akong alagaan ang pamangkin mo, di ba?" umiiyak na din ang kapatid niya na nasa harapan niya.
"Sinasaway mo ako. Tapos ikaw pala ang umiiyak, ate."
Natawa ito sa tinuran niya. "Nahawa lang ako sayo. Sige na, magpahinga ka na. I-kumusta mo ako sa lahat diyan pati kay Lola Anding. Iyakap mo ako sa kanya. Sabihin mong miss na miss ko na din siya."
Tumango siya dito. "Makakarating, ate. Mag ingat kayong lahat diyan."
Pagkatapos niyang magpaalam ay pinatay na ni Diane ang tawag.
Napaiyak na naman siya. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nawalay siya sa kapatid. Simula't sapol ay sila lang ang palaging magkasama. Kaya hindi siya sanay at hindi komportable na malayo dito.
"Hi!" masiglang sigaw na bati ni Oscar sa kanya. Bigla itong pumasok habang siya ay nakayukong umiiyak.
Lumapit ito sa kanya. At umupo sa tabi ng kama. Halos magdikit na ang mga braso nila sa sobrang lapit.
Agad niyang pinunasan ang mga luha at bumaling ng ibang doreksiyon para ikubli ang kanyang pag-iyak.
Hinawakan siya sa baba at iniharap dito.
"Sorry, kuya. Hindi ko napigilang maging malungkot. Ikakasal na si ate pagkatapos wala pa ako sa tabi niya. Excited akong makita siyang naglalakad na ikakasal sa simbahan," dire diretsong sabi nito na humingi ng paumanhin sa binata.
"May sinabi ba ako? Masyado kang defensive, baby girl. Pinangungunahan mo ako."
Napaangat ang ulo ni Divina. Maamong mukha ng binata ang agad na nakita niya.
Nagtama ang mga tingin nila. Siya na ang nagbaba ng tingin at yumuko. "Baka kasi magalit ka. Kasi.... K-Kasi n-nakita mo akong u-umiiyak."
"Ang ibig sabihin ng mga sinabi ko noong nakaraang araw. Sana huwag kang sumuko sa sakit mo. Okay lang sa akin na umiyak ka. Pampagaan din ng loob mo kapag umiiyak ka. Saka alam ko kung gaano mo ka-miss ang mga kapatid mo," pagtatama ni Oscar sa kanya.
"Sana nga gumaling na ako, kuya. Gusto ko na kasing makasama ang mga kapatid ko at ang lola ko."
Nagulat siya ng umangat ang braso nito at isinampay sa kanyang balikat.
"Gagaling ka pangako 'yan. Basta kumbinsihin mo ang sarili mong gagaling ka. Andito lamang ako palagi sa tabi mo. Aalagaan kita. Hindi ako titigil na hindi ka gumagaling," seryoso nitong sambit.
Napatitig siya sa mukha nito habang nagsasalita. Mabilis siyang umiling iling para matuon ang isip sa iba. At hindi sa mukha ng binatang hinahangaan.
"Salamat, Kuya Oscar. Gusto ko sana itong itanong sayo. May gusto lang akong malaman. Okay lang kung ayaw mong sagutin."
Sumeryoso ang mukha nito saka tumango. "Oo naman. Just ask anything. 'Yong kaya kong sagutin, huh? Baka kasi mahirap ang question mo."
Ang lawak ng ngiti nito na nakatingin sa kanya at naghihintay sa itatanong niya.
Nakagat ni Divina ang labi niya. Ang mga gesture ni Oscar na ganito ang lalong nagpapatunaw sa mura niyang puso.
"M-Mahal mo pa ba si A-Ate D-Diane?"
Nakita niyang natigilan ito. Saglit na natahimik. Saka napabuntong-hininga.
"Hindi madaling kalimutan ang ate mo. Siya ang babaeng pinangarap kong makasama. Ako sana ang kasama niyang ikakasal. Minsan kung sino pa ang gusto ng puso natin. Iyon pa ang mahirap makuha. Siguro hindi talaga kami ang para sa isa't isa ni Diane. Kaya tanggap ko na ang lahat," sagot nitong hindi tumitingin sa kanya. Bumaling ito sa kanya. "Teka nga, may nagugustuhan ka na ba? Bata ka pa, Vina. Bawal ka pang magkaboyfriend. Ako ang kuya mo. Dapat nakikinig ka sa mga pangaral ko sa 'yo."
Parang may kumirot ang puso niya. "Kuya" Muntik na niyang makalimutan na parang kapatid lang ang turing ni Oscar sa kanya. Bakit ba nahuli siyang ipinanganak? Siguro kung magkaedad sila. Baka naiisip nitong puwede din siyang magustuhan ng binata.
"W-Wala pa po, kuya. Andito lang ako sa loob ng apat na sulok ng ospital na ito. Paano akong may makikitang kaedad ko na magiging crush ko?" aniya.
Hindi siya puwedeng makihalubilo sa mga kaedad niya. Hindi din siya pumapasok sa eskwelahan. Sino naman ang magiging crush niya? Puwera na lamang sa binatang nasa tabi niya.
Tumango-tang ng ulo si Oscar.
"Tama ka. Kapag mayroon ka ng crush. Sabihin mo kaagad sa akin. Nang makilatis ko. Ayokong ganoon ka lang sasaktan ng kung sinong lalaki."
Gusto niyang isigaw na siya ang lalaki na gusto niya. Pero hindi puwede. Mananatiling lihim ang nararamdaman niya para dito. Crush lang naman at walang masama sa nararamdaman. Gagawin niyang inspirasyon si Doc. Oscar para lumaban sa sakit niya.
ILANG buwan na lang kasal na ng kapatid niya. Bago ikasal ang kapatid ay kaarawan naman niya. Si Divina naka-sumbrero na nakaupo sa wheelchair. Hindi niya mapigilang maisip ang mga kapatid na naiwan niya sa Pilipinas.
Hinawakan siya sa balikat ng Lola Anding niya.
"Iiwan lang kita sandali, apo. Ikukuha kita ng tubig. Mamasyal tayo. Dito lang sa paligid ng ospital," paalam nito sa kanya.
Tumango lang siya dito. Pagkatapos ay umalis na ang lola niya.
Pinapayagan na siyang lumabas ng ospital. Pero hindi siya puwedeng lumayo. Dahil baka may makasagap siyang mikrobyo at mga bacteria na puwedeng makapagpahina ng immune system niya.
Nakatingin lang si Divina sa mga batang naglalaro sa labas ng ospital. Naiinggit siya sa mga ito. Ni hindi siya nakaranas na masayang makipaglaro sa kapwa bata. Sakitin na siya noong bata pa. Kaya hindi siya pinapayagan ng mama nila na lumabas ng bahay.
Napayuko siyang kumuha na lang sa kanyang nararamdamang awa sa sarili.
Bumungad sa mata niya ang isang pirasong red rose at isang maliit na box ng ferrero rocher. Biglang umangat ang tingin niya sa may hawak nito.
"Kuya Oscar?"
Umupo ito para magpantay sila.
"For you, baby girl. Papayagan kitang kumain ng chocolate. At 'yong rose para hindi ka na malungkot," matamis itong ngumiti sa kanya.
"Thank you po, kuya."
Inamoy-amoy niya ang bulaklak. At tinitigan ang tsokolate na hawak.
"Nasaan ang lola mo?"
"Kumukuha po ng tubig. Ipapasyal daw niya ako dito sa labas ng ospital," sagot niya.
"Hmm.. Ako na lang ang magpapasyal sayo. May pupuntahan tayo na tiyak na matutuwa ka."
Na-excite siya sa sinabi nito. Ito palang ang unang beses na makakalabas siya ng ospital. Nakakainip na din. Dahil palagi siyang nakakulong.
Dumating ang Lola Anding niya dala ang tubig niya. Ipinaalam ni Oscar sa lola niya na siya na ang kasama niyang mamasyal.
"Naku, Oscar. Huwag na maabala pa kita. Wala ka bang trabaho ngayon?" tanong ni Lola Anding.
"Okay lang po. Hindi kailanman hindi naging abala si Vina sa akin. Saka naka-day off po ako today. Ako na po ang bahala dito sa aking magandang pasyente."
Parang pinamulahan siya ng pisngi dahil sa sinabi nito. Siya maganda? Galing kay Oscar parang idinuduyan siya sa ulap.
"Ano, Divina? Pumapayag ka ba?" baling na tanong ng lola niya sa kanya. Sunod-sunod na tango ang sagot niya. "Oh siya. Sige na lumakad na kayo. Ako ay uuwi muna sa bahay. Ikaw na ang bahala sa apo ko, Oscar."
"Opo." masiglang sagot nito.
Iniwan na sila ni Lola Anding. At itinulak ni Oscar ang wheelchair niya papunta sa labas ng ospital.
"Saan tayo puputan, kuya?"
"Surprised muna."
Tumingin na lamang siya sa dinadaanan nila. Nawili siya sa kakatingin sa buong paligid sa labas. Ang tagal din bago siya nakalabas at nakasagap ng hangin mula sa labas.
Napapikit siya ng mata habang lumalanghap ng hangin.
Ilang sandali pa ay naramdaman ni Divina na huminto sa pagtulak si Oscar ng kanyang wheel chair. Nagtataka siya sa lugar kung saan siya dinala ng binata. Sobrang lakas ng hangin at may naririnig siyang hampas ng tubig.
"We're here. Now remove your hands from your eyes, and you will see where we are."
Dahan dahang niyang iminulat ang mata niya. Nasilaw siya sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha.
"Ano po ba itong lugar?" tanong niya na nakatabing ang kamay sa mata.
Pumunta si Oscar ss harapan niya. Napansin niyang hinarangan nito ang sinag ng araw.
"Just open your eyes, baby," muling utos nitong saad kay Divina.
Sinunod ni Divina ang sinabi ni Oscar at tinanggal ang kamay na tumatabing sa mata niya.
Napaawang ng malaki ang bibig niya sa pagkagulat.
"Anong ginagawa natin dito, Kuya Oscar?"
"Are you not happy? I just want to make you happy in my way."
Inilahad ni Divina ang kamay niya kay Oscar. Lumapit agad ang binata sa kanya. At kinuha ang kamay niya. Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Oscar.
"Sobrang thank you po. Ginawa niyo pa ito para sa akin. Ang saya ko po, kuya."
"You're welcome, baby girl." ubod tamis nitong sabi sa kanya. "Let me carry you."
Hindi siya nakasagot. At kinarga siya nito ng pa-bridal. Ikinapit ang dalawang kamay sa leeg nito. Nakatingin ito sa mata niya na naglalakad sa buhangin.
Dinala siya ni Oscar sa beach. Walang tao ang naroroon sa dagat. May nakalatag na mat doon saka maraming pagkain. Mukhang pinaghadaan ni Oscar ang araw na ito.
Maingat siyang ibinaba ni Oscar sa mat saka umupo sa tabi niya. Kumuha ito ng bote ng tubig saka binuksan.
"Uminom ka muna," alok nitong sabi sabay bigay ng bote ng tubig.
Kinuha niya iyon at ininom. Pagkainom ay kinuha sa kanya ni Oscar ang bote ng tubig. Napatingin siya dito na uminom sa bote na ininuman niya. Pinagmamasdan niya ito habang tinatakpan ang bote.
Napasulyap ito sa kanya. Kaya agad siyang nag iba ng tingin.
Pinapanood nila ni Divina ang mga hampas ng alon. Parang kapatid na din ang turing niya dito. Dahil alam niyang sobrang nakakastress ang magkasakit. Kaya naisipan niya na dalhin sa beach ang bata. Naging picnic na nila ang pagpunta sa dagat.
"Let's eat, baby. Ako mismo ang gumawa ng mga ito," sabi niya kay Divina.
"Talaga, kuya? Ikaw ang nagprepare ng lahat ng ito."
"Oo. May kodigo naman ako paano gumawa ng sandwich. Saka nagresearch ako kung ano-ano ang dadalhin sa picnic. Ano, puwede na ba?"
Napaisip si Divina. "Puwedeng, ano, kuya?"
"Puwede ng mag-asawa," saka tumawa ng malakas.
Nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Divina. "Puwede na talaga. Matanda ka na, Kuya Oscar. Ilang taon ka na nga?"
"Thirty."
"Tignan mo mawawala ka na sa kalendaryo," biro nito sa kanya.
Natahimik siya. Tinamaan siya sa sinabi nito.
Nag alala si Divina sa kanya ng hindi siya nagsasalita. Kaya itinuloy tuloy niya ang pagkukunwaring galit siya dito.
Kumuha siya ng tuna sandwich na ginawa niya. Saka walang salitang ibinigay kay Divina. Nakita niya ang pagsunod ng mga mata nito sa ginagawa niya. Pagkatapos ay kumuha ng dalawang juice. Ang isa ay sa kanya. Katulad ng nauna ay tahimik lang niya itong ibinigay.
"Kuya, galit ka ba sa akin?" Napasulyap siya sa biglang pagtanong nito. Umiling siya ng ulo bilang sagot. "Hindi ka po kumikibo. Baka kako sumama ang loob mo sa akin. Dahil sa mga sinabi ko kanina."
Kumagat siya sa tuna sandwich at nginuya. Pero hindi pa din niya kinausap ang katabi.
Biglang umiwas ito ng tingin. Pansin niya ang pagdampi ng kamay nito sa pisngi. At pagyugyog ng balikat ni Divina.
"Umiiyak ba siya?" tanong niya sa sarili.
Narinig niya ang mga hikbi ni Divina. Naalarma siya saka hinawakan sa balikat ito at iniharap sa kanya.
Nanlaki ang mata niya ng makitang masaganang bumabagsak ang mga luha ni Divina sa mata. Hindi na niya napigilan ang sariling hindi ito kausapin.
"Why are you crying, baby girl?"
"Eh, kasi hindi mo ako pinapansin. Para akong hangin dito sa tabi mo. Kung masama ang loob mo sa akin, sabihin mo po. Para alam ko. Hindi iyong ganito hindi mo ako kinakausap!" Nagtampo na din ito sa kanya habang humihikbi itong umiiyak.
Bumigat ang dibdib niya ng makita si Divina sa ganoong ayos. Bawat luhang pumapatak sa mata nito ay parang kutsilyong tumatarak sa puso niya. At saka, bakit parang kakaiba ang t***k ng puso niya?
Kinabig niyang yakap si Divina. Ikinulong niya ito ng mahigpit sa mga bisig niya.
"I'm sorry. I'm really, really sorry, baby girl. Please don't cry," panay ang hingi niya ng tawad dito dahil sa ginawa niya.
"Stop whatever it is, Oscar. She is just a minor at kasalanan ito," bulong ng utak niya.