ISANG LINGGO ang lumipas, hindi nagpapakita si Oscar kay Divina. Hindi rin ito tumatawag na ikinabahala ng dalaga. Hindi naman ganoon si Oscar at maayos pa sila dalawa naghiwalay noong gabing ng pamamanhikan nito. Wala siyang maisip na ibang dahilan para biglang magbago ng pakikitungo ang nobyo sa kanya. Naka-confine na si Diane dahil manganganak na ito. At lalaki ang pang-apat na anak ng Ate Diane at Kuya Ryder niya. Hindi na muna bumalik sa probinsiya ang sina Lola Pacita at Lola Anding para maalagaan nila Diane habang nasa ospital ito. Isa pa walang maiiwan sa mag-asawa para asikasuhin ang kanilang mga anak. Ang Ate Devyn naman niya ay abala sa trabaho nito. Madalas niyang makita si Nick na kasama ng ate niya. Pansin niya na parating galit ang kapatid sa binata. Nakakatawang isipin na

