ANG SIMULA
FOREST - NIGHT
Maliwanag ang buwan at dinig ang tunog ng damuhan dahil sa ihip ng hangin. Maririnig din ang mabilis na yapak ng mga paa na unti-unting maririnig mula sa malayo hanggang papalapit na tila bang may naghahabulan. Tila isang boses ng babae ang maririnig na sumisigaw at sinasambit ang salitang "TULONG!!!" nang biglang may malakas na tunog ng pagsaksak ng paulit-ulit ang maririnig hanggang sa may tila hugis katawan ang maaaninagan.
Hindi masabi ang kasarian ng tao na patuloy na sinasaksak ang biktima kahit pa ito ay nakahiga na at wala nang malay. Makikita na umilaw ng kulay asul ang mata nang lalaki nang matapos nitong saksakin ang babae.
BUS STATION - AFTERNOON
Nakatayo si Don habang naghihintay ng masasakyan na bus . Init na init na ito sa kaniyang suot na pormal na pananamit. Mahahalata mong hindi ito sanay sa mga ganitong kasuotan. "Grabe! Sobrang init! Siguro uulan mamaya" sambit nito. Ang mga mata niya ay tila naglalaro pa rin sa paligid, hindi makapaniwala sa kabuhayan ng gabi sa Maynila. Nakasabit ang bag ni Don sa katawan at sa kamay niya ay hawak hawak ang listahan ng mga kompaniya.
Habang tinitignan ni Don ang listahan ay bigla itong nahulog sa lupa. Maya maya pa ay naramdaman na ni Don ang pagpatak ng ulan. Biglang lumakas ang ulan at alalang alala si Don sapagkat wala itong dalang payong. Palakas ng palakas ang ulan at kitan-kita na natataranta si Don. "Sabi ko na uulan eh.. s**t! Ang lakas na wala akong payong, wala pang masilungan dito". Habang aligaga si Don sa pagtingin kung san may masisilungan, napansin niya ang pagdating ng isang babae na naka dilaw na payong. Tila nag aabang din ito ng masasakyan. Nais na sanang sumukob ni Don ngunit nahihiya ito. Ang babae naman ay pasimpleng tumitingin tingin kay Don.
Sabay nagulat ang dalawa sa muling paglakas ng ulan. Dahil dito ay napilitan na si Don na makisukob sapagkat basang basa na rin siya sa ulan. Nagkatinginan naman ang dalawa. "Miss, uh.. Salamat ha" sambit ni Don. Tinitigan lamang siya ng babae at sabay nginitan. Lalong nahiya si Don dahil dito.
SA BUS
BUS - AFTERNOON
Dumating na ang bus at doon din pala sasakay ang babae. Nauna nang pinapasok ni Don ang babae at saka naman ito sumunod. Habang naghahanap ang babae ng mauupuan, walang ibang tinitignan si Don kundi ito lamang. Ang mata ni Don ay lumalangoy sa hubog ng katawan ng babae. Nang makahanap na nang mauupuan ang babae, napatingin ito kay Don at ang dalawa ay nagkangitian na tila baý parang kinikilig. Dahil sa pagkabighani ni Don sa babae ay napatulala nalang ito habang nakatayo ng biglang may iritableng pasahero ang sumakay sa bus.
Pasahero: Boss, excuse lang oh! Ang dami daming upuan nakaharang ka diyan!
Don: Ay! Sorry po, sorry.
Pasahero: Paharang harang akala siya lang pasahero!
Nagmadaling kumilos si Don at hiyang hiya ito. Nakita ni Don na walang katabi ang babae na kaniyang pinagmamasdan. Nilapitan niya ito at nahihiyang ngumiti ang babae kay Don.
Don: Pwedeng tumabi? (tanong nito nang nakangiti)
Tanya: Ah, oo sige. (tugon nito)
Ingat na ingat na umupo si Don sa tabi ng babae upang hindi ito matalsikan ng basa niyang damit. Naglakas na si Don na kausapin ang babae upang mawala na ang hiyaan sa pagitan nilang dalawa.
Don: Uy, salamat ha!
Tanya: Salamat? Para saan?
Don: I mean, salamat sa pag papasukob mo kanina sa akin dun sa hintayan ng bus.
Tanya: Ahh. Sus! Wala ýun. You're welcome!
Napasilip si Don sa bintana ng bus at kita pa rin ang lakas ng pagpatak ng ulan.
Don: Hay! Buti nalang may dumating na bus kahit papano. Ang hirap pa naman pag ganitong malakas ang ulan.
Tanya: Oo nga eh.
Kumuha ng face towel si Don at pinunasan niya ang kaniyang mga braso at buhok.
Don: Ako nga pala si Don. (nakangiting sabi ni Don habang iniabot ang kanyang kamay sa babae na agad namang nakipagkamay)
Tanya: Tanya ang pangalan ko. Grabe ang pagkabasa mo! Sa susunod magdala ka na ng payong ha. Mahirap na baka magkasakit ka pa.
Nabigla si Don sa pagpuna ni Tanya sa kaniya at napangiti na lamang ito sa sobrang kahihiyan.
Don: Uy sorry naman Miss! Hindi naman kasi panahon ng tag-ulan ngayon eh. Hahahaha!
Tanya: Sige na okay lang. May panyo pa ako dito kung basang basa na 'yang towel mo ah.
Don: Hala, hindi na Miss! Nakakahiya na masyado.
Tanya: At bakit naman Miss pa tawag mo sakin eh sibabi ko na nga pangalan ko? Ano saleslady lang? Tanya na lang itawag mo sa akin. Para hindi naman weird. Ikaw naman eh. Hahaha!
Don: Tanya. Okay sige Tanya na ang itatawag ko sa iyo. Thank you, Tanya!
Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating ang maniningil ng pamasahe. Pinigilan ni Don sa pagkuha ng pera si Tanya.
Don: Ako na magbabayad. (Sabay abot ng bayad sa Kundoktor)
Isang San Jose tsaka... Saan ka pala bababa?
Napatigil si Tanya at na napaisip.
Tanya: Ahh, San Jose din. San Jose din pala ako nawala sa isip ko. Hahaha (sagot nito na tila may kaba)
Don: Sigurado ka ah? Oh sige, dalawang Rotonda po.
Kinuha na ni Don ang ticket sabay kuha sa sukli.
Tanya: Alam mo hindi mo naman kailangan bayaran yung pamasahe ko dahil lang pinasukob kita kanina. Pa-sweet ka rin eh no?
Don: Utang na loob kasi yun. Hahaha! So, anong ginagawa mo dito sa Manila pala?
Tanya: Trabaho. Librarian ako dito sa malapit.
Don: Astig ah! Librarian.. Batang bata!
Tanya: Oo na! Marami ngang nagsasabi na hindi pang edad ko yung trabaho ko. (LAUGHS)
Ikaw naman. Bakit ka nandito sa Manila?
Don: Naghahanap naman ako ng trabaho. Eto nag aapply kung saan saan.
Tanya: Ang layo naman ng hinanapan mo ng trabaho. Tanong ko lang, bakit dito ka pa naghanap? Wala bang mahanapan doon sa inyo?
Napahinga ng malalim si Don habang iniisip ang dahilan kung bakit dito pa siya sa Manila naghahanap ng trabaho. Hirap na hirap si Don sa paghahanap kung kaya naisipan niyang magpunta sa Manila upang subukan na doon naman maghanap.
Don: Well, sinusubukan ko lang dito sa Manila. Tsaka kinumbinsi din ako ng Tita ko na dito maghanap. Baka kasi sakaling makakuha ng maganda at malaking sahod. Marami rin kasi ang nagsasabi sakin na madali raw ang trabaho tsaka pera dito. Isa pang rason kasi ay yung pagkalugi ng family business namin. Kaya ayun.
Sa bilis ng takbo ng bus, biglang napapreno ang driver ng may magkasintahan na sasakay. Pagkasakay ng magkasintahan ay napansin ni Don ang mga ito.
Don: Tignan mo oh, ang sweet nung dalawa. Tsaka aminin mo, ang saya nilang panoorin. Feeling ko true love yung meron sila eh. Ano sa tingin mo?
Tanya: Haaay. True Love. "True love isn't the state of perfect caring. To love someone is to strive to accept that person exactly the way that he or she is, right here and now - Fred Rogers" (sambit ni Tanya)
Napapalakpak at napahanga si Don sa sinabi na ito ni Tanya mula kay Fred Rogers. Hindi naman nagpatalo si Don at nag isip din siya ng linya na masasabi niya kay Tanya.
Don: Wow! Ang galing nun ah? Kaso nga lang english hahaha! Pero di naman ako papayag na mapahiya sa iyo. Meron din akong mga matatalinhagang linya.Tagalog nga lang. Gusto mo bang marinig?
Tanya: Hmm. Sige pagbibigyan kita! Go, banat na!
Don: "Makakapili ka nang lugar na uupuan mo. Pero di ka makakapili ng taong uupo sa tabi mo. Ganyan ang senaryo sa bus, ganyan din sa pag-ibig. Hindi mo kontrolado kung kelan siya bababa. - Bob Ong"
Nagtawanan ang dalawa sa pagsambit ni Don ng linya mula kay Bob Ong. Ngunit kapansin pansin kay Tanya na tila lingon siya ng lingon sa may bintana ng bus at medyo aligaga. Habang nagtatawanan sila ay may ibang tingin din siya kay Don na hindi maipaliwanag.
Don: Ayos ba? Hahaha! Puro kasi mga libro ni Bob Ong ang binabasa ko.
Tanya: Ayos ah gusto ko yan hahaha! (Sabay titingin tingin sa may bintana)
Don: Sino? Ako?
Tanya: Sira hindi! Yung sinabi mo galing kay Bob Ong!
Don: Ahhh akala ko kasi ako eh. (sabay kamot sa ulo)
Tanya: Yung sinabi mo kasi malaman eh plus may dating, kaya ko nagustuhan.
Nagkatitigan ang dalawa habang nagtatawanan. Nang matapos silang magtawanan ay bigla na namang nagkahiyaan at umiwas ang tingin sa isa't isa. Si Tanya ay patuloy pa rin sa pagtingin sa may bintana ng bus. Kapag hindi sila magkausap ni Don ay para bang may kakaiba sa kilos niya. Para siyang hindi mapakali at hindi makapaghintay na makababa na ng bus.
Nang mag dikit ang braso ni Don at Tanya, hindi nila napigilan na maghawakan ng kamay. Habang nakatingin si Don sa kanilang mga kamay ng nakangiti, si Tanya naman ay nakatingin sa mukha ni Don na tila baý hindi natutuwa. Napansin ito ni Don.
Don: Ayos ka lang ba? Bakit ka nakasimangot?
Tanya: Ahh wala wala sorry. Ang totoo niyan kanina pa ako nawawala sa focus.
Don: Ha? Bakit masama ba pakiramdam mo? Teka may gamot ata ako dito. (Tinignan ang loob ng bag)
Tanya: Okay lang hindi ko kailangan ng gamot. Hawakan mo nalang ako baka inaatake lang ako ng anxiety ko.
Dali dali namang hinawakan ni Don ang kamay ni Tanya upang maibsan kahit konti ang nararamdaman nito. Makikita mong tuwang tuwa si Don na nakilala niya si Tanya. Naisip niyang kwentuhan lamang ito ng kung anu ano upang malibang si Tanya. Napaisip si Don na tanungin ang lovelife ni Tanya sapagkat interesado siya na mas makilala si Tanya.
Don: Hmm napapansin kanina pa ako kwento ng kwento ah! Ikaw naman tatanungin ko.
Tanya: Ano yun?
Don: May boyfriend ka ba? hehe
Tanya: Mukha ba akong may boyfriend? Kung may boyfriend ako eh di sana kanina pa kita hindi kinakausap.
Don: Ang sungit naman! ahahaha eh kasi ang tahi tahimik mo, napapanis na laway ko dito eh.
Tanya: Gusto ko nga na nagsasalita ka. Ang ganda kasi ng boses mo. Parang ang lambing lambing
Don: Huy wag kang ganyan! Kinikilig ako! Joke lang ah peace tayo!
Tanya: Ang kulit mo talaga eh no? Hahaha
Don: Pero sa totoo lang, nag eenjoy ako na kasama ka. Hindi ko maexplain pero pakiramdam ko may kakaiba sa'yo. Hindi kita binobola ah. Kung sakali ba na gusto kita kilalanin pa, pagbibigyan mo ako?
Tanya: (napangiti ng bahagya na tila ba may ibang kahulugan) Uhm, bakit naman hindi? Wala naman sigurong masama dun.
Don: Yun! Para na akong nanalo sa Lotto!
Tanya: May pagka OA ka rin talaga eh.
Sa haba ng byahe ay nakatulog na si Tanya sa balikat ni Don. Habang si Don ay pinagmamasdan ang walang humpay na ulan. Napatingin si Don kay Tanya na siyang natutulog sa kaniyang balikat. Hindi niya maipaliwanag kung bakit labis ang gaan ng loob niya kay Tanya kahit na kakakakita pa lamang niya rito. Napapaisip siya kung ano ang kakaiba kay Tanya sa mga babae na kaniyang nakausap o nakasama na sapagkat ibang iba kung kaniyang ituring si Tanya. "Love at first sight ba ito?" Tanong niya sa sarili.
HINTAYAN
Nang dire diretso na ang kanilang byahe ay bigla namang nasiraan ang bus na kanilang sinasakyan. Mabuti na lamang ay may pwedeng paghintayan ang mga pasahero habang ginagawa ang bus. Habang nakaupo si Tanya ay lumapit si Don na may dala dalang pagkain at tubig.
Don: Oh ito Tanya, kumain ka muna. Kanina pa tayo nasa byahe alam ko gutom na gutom ka na.
Tanya: Uy salamat. Nag abala ka pa.
Don: Syempre no, kung ako nga gutom na eh sa tagal ba naman natin sa traffic tapos sa kamalas malasan nasiraan pa yung bus! Hays!
Pinapakiramdaman ni Tanya ang kaniyang paligid. Di nito maiwasan na tumingin tingin sa bawat sulok ng lugar na kung nasaan sila.
Don: Huy! Kumain ka na. Sino bang tinitignan mo? (tanong ni Don habang kinakain ang Siomai rice na binili niya)
Tanya: Ay Sorry! Para kasing ang tahimik sa lugar na ito eh. tinitignan ko lang.
Tapos ng kumain ang dalawa at napansin ni Don ang katahimikan ni Tanya kaya naman nagsimula na naman itong magtanong. "Kwentuhan mo naman ako. Nasaan ang pamilya mo? Nasa Manila ba o sa San Jose?" Nagulat si Tanya sa tanong ni Don at hindi agad ito nakapagsalita.
Don: Hello, Tanya? Wala ka na naman sa focus ah hahaha!
Tanya: Pasensya na pagod lang din siguro sa trabaho tapos dumagdag pa yung byahe natin tapos kung ano ano pa tinatanong mo. (sabay iwas ng tingin)
Don: Eh syempre sabi ko nga sayo kanina gusto kita kilalanin pa. Kaya ito nagtatanong anong ako.
Tanya: Yung pamilya ko nasa Manila sila.
Don: Ahh kung ganon, bakit sa San Jose ka rin bababa? Sinong pupuntahan mo dun?
Napangiti si Tanya ngunit di na naman ito nakasagot agad sa tanong ni Don. Sinabi ni Tanya na hindi pa siya kumportable na mag kwento ng personal niyang buhay sa ibang tao. Hindi kasi siya sanay na pinag uusapan ang sarili niyang buhay. Iniingitan at iniiwas lamang niya ang kaniyang sarili sa kung anumang kapahamakan. Malugod namang tinanggap ni Don ang sinabing ito ni Tanya at kaniyang sinabi na ayaw niya itong mag iba ang tingin sa kaniya sapagkat kanina pa siya nangungulit.
Don: Basta okay lang tayo ah? Nirerespeto ko naman kung ayaw mo pa mag kwento sa akin. Syempre kakakilala pa lang natin, naiintindihan ko yun. Pasensya na if naging makulit ako o baka masyado na akong feeling close. Hindi ko alam na hindi ka pala kumportable.
Tanya: Ano ka ba! Hindi lang ako kumportable na magkwento ng buhay ko pero wala naman sakin yung mga pangungulit mo. Ang cute mo nga eh.
Don: Ha? (sagot nito habang kinikilig sa sinabi ni Tanya)
Tanya: Oh bakit kinikilig ka dyan? (sambit habang tumatawa)
Don: Sino ba naman ang hindi kikiligin sa sinabi mo? Tsaka wala pang magandang babae ang nagsasabi sa akin na cute ako.
Tanya: Ay teka lang naman, magkalinawan tayo. Yung pangungulit mo ang cute ah, hindi ikaw!
Don: Hindi, wala nang bawian! Hahaha
Napasarap ang kulitan ng dalawa at hindi na namalayan ang oras. Mag dadalawang oras na mula nang masiraan ang bus na kanilang sinasakyan. May ilang pasahero na humanap na lamang ng ibang masasakyan. Maya maya pa ay nilapitan sina Don at Tanya ng driver ng bus.
Driver: Mga boss, baka po gusto niyo nang humanap ng ibang masasakyan, kahit ho ibalik ko nalang yung kalahati ng pamasahe na binayad niyo, medyo matatagalan pa po kasi ata yung ginagawa sa bus eh.
Don: Ay manong ganoon ho ba? Sa tingin niyo po ba mga gano pa katagal ang aabutin?
Driver: Baka abutin pa po ng isa o isa't kalahating oras.
Don: Ano Tanya? Gusto mo bang humanap na tayo ng bagong masasakyan?
Tanya: Ahh oh sige mukhang matatagalan pa kasi. (habang bahagyang tumitingin tingin sa paligid si Tanya)
Don: Ah sige po Manong, hanap na lang po kami ng ibang masasakyan gabi na rin ho kasi. Ingat po kayo.
Driver: Sige po ito po yung kalahati ng bayad niyo, salamat po at ingat din kayo!
Habang naghihintay ng bus ay nagmatiyag na naman si Tanya sa kaniyang paligid. Natanaw ni Tanya ang band roon sa malayo at inaya niya si Don na doon maghintay ng masasakyan. Aniya ay mukhang mas maraming dumadaan na bus doon. Ngunit ng sila'y makapunta na sa kabilang dulo napansin ni Don na mas madilim at halos walang tao ang dumadaan dito.
Don: Sigurado ka ba na dito tayo maghihintay Tanya? Eh parang mas madilim dito at walang katao tao.
Tanya: Hindi sigurado ako na merong dadaan dito. (sambit ni Tanya habang tumitingin tingin sa paligid)
Napansin ni Don na parang nagmamadali o may bumabagabag kay Tanya habang sila ay naghihintay. Ito ay lingon ng lingon kung saan saan, maya maya ay kumakamot sa ulo at tumitingin sa orasan habang ito ay pawis na pawis.
Don: Tanya okay ka lang ba? Pawis na pawis ka na oh eh parang hindi naman ganun ka-init. Tsaka napapansin ko parang kanina ka pa hindi mapakali.
Tanya: Sa totoo lang Don kinakabahan ako. Pakiramdam ko kasi kanina pa may nakatingin sa akin, parang kanina pa may sumusunod.
Don: Ha? Asan ba yan? (habang nililingon ang paligid)
Wala rin naman akong napansin na sumusunod sa'yo kanina. Kahit nung pagsakay natin ng bus, walang sumunod sa atin.
Tanya: Ang totoo niyan, kanina bago tayo sumakay ng bus, may lalaki na mayroong kotse na sinusundan ako. Kaya nga pinayungan na kita para mawala siya. Hanggang pagsakay natin ng bus nakita ko siya.
Don: Ah! Kaya ba sa bus kanina tingin ka rin ng tingin sa may bintana? Pero mukhang hindi naman tayo nasundan nun. Tsaka wag kang mag alala, nandito ako. Di kita iiwan.
Tanya: Natatakot ako Don, iba talaga pakiramdam ko. Pano kung nasundan niya ako?
Don: Ayun! May bus! Halika na bilisan natin sigurado akong di ka na mahahabol kung sino man yun. Wala akong ibang sasakyan na nakikita. (sabay takbo papalapit sa bus habang hawak ang kamay ni Tanya)
MAY PANGANGAILANGAN LANG
DROP-OFF PLACE
Nakababa na sina Don at Tanya sa may San Jose. Tinitignan tignan din ni Don ang paligid upang masiguro na walang nakasunod sa kanila. Habang nasa bus ay lagi rin nakatanaw si Don sa bintana para makita kung may kotse ba na sumusunod sa sinasakyan nila at positibo naman si Don na wala sino man ang nakasunod sa kanila.
Don: Ayan nandito na tayo Tanya, sigurado ako walang nakasunod sa atin. (sabay tingin kay Tanya)
So paano? Dito na lang siguro tayo o gusto mo samahan kita sa pupuntahan mo para makasiguro na okay ka.
Tanya: Hindi Don, okay na ako. Salamat ng marami gumaan naman yung loob ko.
Don: Oh sige. Ingat ka Tanya ah. Nice meeting you!
Tanya: Nice meeting you rin, Don! Nga pala, magdala ka na ng payong sa susunod ah. Alam mo na hindi naman kita laging mapapayungan.
Nang may makita si Tanya na sasakyan na papalapit sa kanila ay biglang nanlaki ang mata nito at bigla itong nanlamig.
Don: Tanya, anong nangyayari sa'yo?
Tanya: May sasakyan na papalapit sa atin Don! Natatakot ako! (Sabay turo sa may sasakyan)
Don: Wag kang matakot Tanya, kasama mo ako ah? Nandito lang ako.
Tanya: Wala nang oras Don. Please...
Don: Anong wala nang oras? Ayan, dumaan lang pala yung sasakyan eh. Kinabahan naman ako sayo. (Paglingon ni Don ay wala na si Tanya)
Hindi alam ni Don kung san nagpunta si Tanya. Nagtataka ito kung bakit bigla na lamang nawala si Tanya at alalang alala ito para kay Tanya. May nakita siyang maliit na daan na maaring pinuntahan ni Tanya at dali daling pumunta doon si Don. Habang tumatakbo si Don ay sinisigaw nito ang pangalan ni Tanya upang marinig siya nito kung nasaan man siya. Nagulat na lamang si Don ng may biglang tumawag sa kanya sa bandang likuran niya. "Don, wag kang maingay." Paglingon ni Don ay si Tanya ang kaniyang nakita at bigla siya nitong hinatak at pinukpok sa ulo.
Hinatak ni Tanya si Don sa may kakahuyan at doon ito itinali. Umalis saglit si Tanya upang may kunin. Habang wala si Tanya ay nagising si Don. Nagulat siya na siya ay nakatali ngunit mabilis naman nito natanggal ang pagkakatali sa kanya. Narinig na niya ang mga yapak ni Tanya na papalapit na kung kaya't nagtulog tulugan na muna ulit ito. Nang makita ni Don na kukunin na ni Tanya ang patalim, bigla niya itong hinawakan sa braso at itnulak. Nang patakbo na si Don papalayo ay agad a naabot ni Tanya ang patalim at nasugatan niya si Don sa may hita. Napadapa si Don sa may lupa.
Don: Anong ginawa mo sa akin?
Tanya: (Laughs) Excited na ako Don! Gusto ko nang simulan na maging ikaw! (Evil laugh) Gusto ko nang magamit itong laman na meron ka!
Hindi napansin ni Tanya na unti unti nang nakatayo si Don at paglingon niya para saksakin si Don ay itnulak siya nito. Nakatakbo pa rin si Don kahit na may sugat ang kaliwang hita nito na gawa ni Tanya. Makikita kay Tanya na gustong gusto na niyang mapatay si Don. Nanlalaki ang mga mata at nanginginig ang mga kamay na para bang sabi na sabik na makapanaksak.
Tanya: Sige Don! Takbo! Kahit saan ka pumunta! Mahahanap kita! (Evil laugh)
Tuloy tuloy lang ang pagtakbo ni Don papalayo kay Tanya ngunit hindi niya malaman ang papalabas sa mga matataas na puno na kaniyang tinatakbuhan. Parang kahit saan siya pumunta ay hindi niya natutunton ang papalabas papunta sa may kalsada o kahit na sa may mga tao upang makaalis na at makalayo kay Tanya o kaya naman ay makahingi man lang ng tulong. Huminto saglit si Don at tinignan ang lugar paikot sa kanya. Paglingon niya sa kabila ay naroroon si Tanya at muntik na siyang masaksak nito sa dibdib. Buti na lamang ay nahawakan niya ang braso ni Tanya at naiwasan ang pananaksak.
Don: Isa kang baliw Tanya!
Tanya: Magkaiba man tayo pero pareho pa rin tayo ng pangangailangan Don!!
Sabay hampas ni Don sa braso ni Tanya na may hawak na patalim. Naihagis din ni Tanya ang patalim dahil sa paghampas at pagtulak ni Don sa kanya. Hindi pa rin tumigil si Tanya at patuloy pa rin niyang hinanap si Don. Nang akala ni Don na siya ay nakalayo layo na kay Tanya, paglingon niya sa kaniyang likuran ay nakahanda nang sumaksak si Tanya. Sa puntong ito ay hindi na naiwasan ni Don ang panaksak.
Tanya: Patawarin mo ako Don, may pangangailangan lang ako. (Laughs) Nagsimula ako dati na parang ikaw Don. Nakakulong sa isang katawan, isang buhay. NAKAKASAWA! (Sigaw ni Tanya) Tinatanong ko ang Diyos, "bakit ako ganito?" Ayoko na tingalain ang iba sa kung ano ang meron sila. BAKIT SILA MERON, AKO WALA!!!! (Sigaw ulit ni Tanya) Pesteng buhay ito kako! Pero ayun, naisip ko maging sila!
Habang sinasabi ito ni Tanya ay hinugot niya ang panksak na nasa tagiliran ni Don. Napasigaw si Don sa sakit at takot na takot na ito kay Tanya. Hindi na makatakbo si Don dahil sa nataamaan sa kaniya ni Tanya sa pagkakasaksak nito. Makikita rin sa kung paano magsalita si Tanya ang isang tao na wala na sa tamang katinuan at pag iisip. Tuloy tuloy pa rin ito sa paglalarawan kung paano at bakit siya pumapatay.
Tanya: Paano?!! Simple lang, saksak, saksak, saksak, saksak!!! (sambit nito habang sumisigaw)
Don: Wag mo kong patayin. (bigkas ni Don habang umiiyak at nanginginig sa takot)
Tanya: ...at ngayon, ikaw naman Don. (laughs) Pero, kinuha ko muna katawan nila. Nilakad ko ang buhay nila at ughhh.. SARAP!!!
Papatayin na kita Don! (laughs)
Don: Wag mo kong papatayin! Wag mo kong papatayin! Please Tanya! (sambit ni Don ng may takot) Naniniwala ako na mabuti ka Tanya, hindi ka masama! Kung ano man yang nasa katauhan mo, labanan mo yan. Hindi ikaw yan Tanya! Hindi ka ganyan naniniwala ako dun. Wag mo kong papatayin please...
Tanya: Alam mo, lahat kayo may pagkakahawig. (bigkas ni Tanya habang sinusugatan ang mukha ni Don gamit ang patalim na kaniyang hawak) Alam mo kung ano? Lahat kayo ang tingin niyo sa buhay niyo hindi perpekto. O kaya naman, may kulang. Pero pagkaharap niyo na ang kamatayan, KITANG KITA SA MATA NIYO! MAHAL NIYO NAMAN PALA ANG BUHAY NIYO!! (Sigaw nito)
Don: Tanya maawa ka please...
Tanya: Hayyy.. Kawawang Don!
Dito ay inilarawan ni Tanya kung bakit siya pumapatay. Ang pinapatay niya ay ang mga mahihina ang loob, ang mga hindi marunong makuntento at ang tingin sa buhay nila ay imperpekto. Si Tanya ay biktima lamang din ng hindi maipaliwanag na katauhan. Kada may mahahanap ang katauhan na ito na mahinang tao, papatayin niya ito upang doon naman sumalin sa katawan ng kaniyang pinatay at ang buhay nito ang kaniya namang isasabuhay.
Don: Tanya, may pag asa pang magbago. Labanan mo yang nasa katauhan mo! Alam kong kaya mo yan. Wag ka magpalinlang sa demonyo na yan!!!
Tanya: (Laughs) Huli na ang lahat Don! Kailanma'y hindi na babalik ang dating Tanya! Kahit pa anong sabihin o gawin mo diyan, wala ka nang magagawa dahil sa kamatayan din ang punta mo! (Evil laugh)
Don: Hindi pa ako handang mamatay Tanya. Please wag mong gawin ito! May pamilya pa ako na naghihintay sa akin.
Tanya: Naghihintay sa iyo? Eh kanina ka pa nga sunod ng sunod at nakikipaglandian sa akin tapos ngayon maiisip mo yung pamilya mo?! Ganiyan ka kahina Don! Hindi ka na nakuntento sa buhay mo, mahina ka pa pagdating sa tukso! Wala ka nang kawala Don. Papatayin na kita! Patawarin mo ako, may pangangailangan lang.
Pagkasabi nito ay tuluyan na ngang sinaksak ni Tanya si Don sa dibdib. Umilaw ng kulay asul ang mata ni Tanya pagkatapos habang sinasaksak niya si Don. Hindi na rin makita si Tanya pagkatapos. Kinaumagahan, maraming tao ang nag uusap usap habang tinitignan ang isang lalaki na puro dugo ang suot. Hindi alam ng mga tao kung saan ito galing at ano ang ginawa bakit punung puno ng dugo ang damit. Naglalakad ito sa may kalsada na may hawak na payong. Habang naglalakad ang lalaki ay may matandang kumausap sa kaniya at binigyan ng damit na maisusuot. Nang tanungin ng matanda kung ano ang pangalan nito, "Don ho", sagot nito.
End