"Nako wala iyon. Alam naman namin ng Tatay mo iyan." "Pasensya na po talaga Nay." "Alam mo Aiza anak. Excited na kami ng Tatay mo sa birthday mo. May mga inihanda na kaming manok tsaka kambing dito para sa birthday mo. Kailan ka ba uuwi anak? Maaga ka bang uuwi rito?" "Po? Um,.." Napahinto ako at napatigil sa naging tanong ni Nanay sa akin sapagkat hindi ko alam ang sasabihin ko at kung papano ko sasabihin sa kanila na hindi ako makakauwi sa paraang hindi sila masaktan. Makikitang subrang nagagalak na sila sa aking pag-uwi dahil sa napaka-espesyal ang araw na iyon para sa kanilang dalawa. Nalungkot naman ako sapagkat pinaghahandaan talaga nila ang aking pagdating kahit sa simpling paraan lamang, ang mahalaga ay sumaya lang ako. Tela nalilito ako at hindi na rin mapakali sa aking isa

