"Alam ko namang walang pag-asa na magugustohan ako ni Cris. Tama ka nga may gusto ako kay Cris. 3 years na akong may gusto sa kanya. Pero alam kong hanggang pangarap lang talaga." Bulong ko sa aking sarili habang napapaisip kong ano ang isasagot ko sa mga sinabi niya. "Enough Marga!! Sumusubra na 'yang pananalita mo nakakasakit kana ng damdamin ng tao." Malakas na boses ni Cris sabay tiningnan si Marga sa mukha na tela may kunting galit na makikita. "Aba Cris at para yatang mas kinakampihan mo pa 'yang si Aiza kesa sa akin ha? I'm your girlfriend Cris. Nabilog na ba talaga ng babaeng 'yan ang ulo mo?" Wika pa ni Marga na halatang may galit din sa kaniyang mukha at tela pagtataka. "Totoo 'yang mga sinasabe ni Aiza Cris. Iba nman kasi ang pag-uugali ng girlfriend mo, hindi makain ng aso

