"Ayos Ivy. Walang problema kung gusto mo agahan pa nga namin eh haha." Pabirong sabi naman ni Mikka sabay tumawa. "Haha loko talaga itong si Mikka." Sabmit naman ni Jessica habang tumatawa. "Basta pumunta kayo kahit anong oras 'wag lang 'yung subrang gabe na." Ani pa ni Ivy sabay tingin sa kaniyang cellphone na tumunog. "Um, kaming apat lang ba ang bisita mo sa linggo Ivy?" Tanong ko naman sa kanya. "Um, actually kayong apat pa lang ang napagsabihan ko tungkol dito. Bakit may gusto pa ba kayong isama?" Ani pa ni Ivy sabay tiningnan kami isa-isa. "Ah wala na. Mas mabuti na nga itong tayong lima lang." Wika ko pa sabay ngumiti sa kanya. "Hindi mo ba inimbita sina Cris, Richard, EJ, Mark at Cris?" Sambit naman ni Jessica habang napapaisip. "Oo nga Ivy. Kasi inimbita nga tayo ni EJ noon

