"Siguro iniisip mo 'yung nangyari kanina sa mall." Pag-aalinlangang sinabi ni Allen. "Ah parang ganoon na nga, hindi lang kasi ako mapakali." Habang napapaisip bigla. "Hayaan mo na iyon 'wag mo nang intindihin." Pangiting sinabi niya habang abala sa pag da-drive. "Tama ka nga Allen." "Nandito lang ako para sayo Aiza." Sabay tumingin sa akin na tela may kaka-iba sa kaniyang pag-iisip. "Ah salamat Allen ha, at pasensya kana nadamay ka pa sa away namin ni Marga." "Wala iyon alam ko namang nasa tamang katuwiran ka. Siya naman talaga ang nakabangga sa'yo, so don't felt guilty okay?" Sambit pa niya habang pinapadama sa akin na tama ako. "Hindi naman na gi-guilty Allen, hindi ko lang alam bakit hindi ako kayang paniwaalaan ni Cris." Malungkot na pagkasabi ko sa kanya. "Anong ibig mong sa

