Emie's P.O.V: Ito na ang araw kung kailan babalik kami sa Pilipinas. To be honest, kinakabahan ako. Kinakabahan ako hindi dahil sa hindi ko sila kayang harapin lahat. Kinakabahan ako dahil sa magiging reaksyon nila kapag nakita nila si Peter, lalong-lalo na si Renzo. Kanina'y dumating din sina Mama at Papa rito sa bahay. Pinagbilinan ko muna ang hotel kay Mama at buti na lang ay pumayag ito. "Make sure you'll be back after a week dahil may convention kami ng papa mo sa London," sambit ni Mama. "Yes, Ma. Just message me kung may problema sa hotel." Biglang hinawakan ni Mama ang kamay ko dahilan para matigilan ako sa ginagawa ko. "Po, Ma?" Nakangiti siya ngunit halata sa mga mata nito ang pag-aalala. "Guard your heart. Si Peter-" Bago pa man matapos ni Mama ang nais niyang iparating a

