Emie's P.O.V: Kasalukuyang nakikipaglaro si Renzo kasama si Peter dito sa park. Pinagmamasdan lang namin siya ni Pat. Kanina pa tahimik ang isang 'to, ni hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isipan nito. "Are you okay?" pagbubukas ko ng usapan. He sighed. "Oo naman. Masaya ako para kay Peter." Still I am not convinced. Hinuli ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa'kin. "Kilala kita," sabi ko. Timid siyang ngumiti. "Masaya ako honestly. Iniisip ko lang na sa Miyerkules ay aalis na tayo, we only have three days left. What if hahanapin ni Peter ang presensya ni Renzo?" Pati ako'y napaisip. Oo nga naman. "Don't worry. Kakausapin ko si Renzo regarding that." Bigla siyang napatingin sa'kin. Kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Hindi mo naman na mahal si Renzo,

