Emie's P.O.V: Kinabukasan ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Laking pasasalamat ko na lang nang paggising namin ay wala na si Renzo rito sa rest house, kahit si Anaziel ay wala. Wala ring ideya sina Nikko dahil ang sabi nila'y paggising nila'y wala na rin daw talaga si Renzo at Anaziel sa kwarto nila. Basta't na-gtext lang si Anaziel kay Nikko na umalis na sila kaninang madaling araw dahil may urgent daw itong gagawin. Nagkani-kaniya na kaming sakayan sa sariling mga kotse saka sabay-sabay na umalis na sa rest house. Naging tahimik ang byahe namin, kanina pa rin namin napapansin na hindi umiimik si Peter. Nanatiling nakatingin lang ito sa bintana at mukhang malalim ang iniisip. Hindi ako nasanay na ganito si Peter. I know why is he acting like that. Maybe because he's upset or just sad

