Emie's P.O.V: Pagkababa ko ng sasakyan ay nakita ko si Amber kasama ang boyfriend niya. Busy ito sa pakikipag-usap sa boyfriend at nang lumingon ito saktong dumako ang tingin niya sa'kin. "Emie! I miss you!" sigaw niya saka nito binitawan ang kamay ng nobyo at nilapitan ako't sinalubong ng yakap. Matagal-tagal na rin simula no'ng nagkasama kami ni Amber. Simula no'ng mag SummerFest ay madalang na lang kami magkita. I'm glad that I saw her again. "I miss you, too!" sagot ko nang kumalas ito sa yakap. "I saw Renzo at the cafeteria. He's with Patrick. I guess they're waiting for you," she said. "Paano mo naman nasabi?" "Kasi Renzo asked me kung nakita ba raw kita." Tumango ako. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at nagpaalam na ako sa kaniya para puntahan na si Renzo. Habang nagla

