?
Bagsak balikat at nanlalambot ang mga tuhod kong umuwi ng dorm namin ni Eunice pagkatapos na sabihin ni Doc Lacson samin ang mga gagawin namin sa initiation.
Tawa ng tawa si Eunice habang isa isang pinapakilala ni Doc samin ang mga target namin. Paano ba naman ay picture palang nakakapanlambot na ng tuhod kaya napapa ngiwi ako sa tuwing makikilala ang isa sa mga target ko kaya para akong clown sa paningin ni Eunice na hindi matigil sa kakatawa.
Pagkahiga ko sa kama ko ay ipinikit ko ang mga mata ko at inalala isa isa ang mukha ng mga target ko. Picture palang ay intimidating na ang dating nila paano pa kaya sa personal diba?
Kaya ko ba iyon? Lima sila?
"So Day! Kanino mo ibibigay ang pearly shell na iniinga't ingatan mo ng dalawang pung taon?" Pagkuwan ay tanong ni Eunice sakin na hindi ko namalayang nandito na rin pala.
"Hindi ko pa alam. Dahil labo labo pa ang laman ng isip ko ngayon" Sagot ko dito.
Hindi naman daw nagmamadali si Doc Lacson ayon dito. Sinabi ko na din sakanya ang dahilan ko kaya ako sumali sa organisasyon nila na mabilis nyang ginawan ng solusyon kaya kahit kelan ko gustong gawin ang task ko ay pwede naman.
Bayad na din naman ang tuition fee ko hanggang sa matapos ako sa pag aaral ayon kay Doc Lacson kanina. Pina asikaso na nya iyon sa sekretarya nya bago kami umalis sa opisina nito kanina.
Ang dahilan naman ni Eunice ay proteksyon at pera para sa pamilya nyang iniwan nya sa probinsya. Mga bigatin din kase ang mga boyfriend nito at may ilang mga asawa na ang humahunting sakanya para ipaligpit kaya malaking problema pala talaga ang sakanya kumpara sakin.
Nakatulog na ako ng hindi na kumakain ng hapunan. Nabusog na ako sa mga kabaliwan na kailangan kong gawin sa buhay ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Kailangan ko pang mag re-search sa mga taong target ko.
Hindi kase dito sa university makikita ang mga iyon dahil sa labas daw nadoon sila.
Pulos kilalang tao ang mga target ko, Hindi basta basta kaya kinakabahan ako na baka hindi ko magawa ng ayos ang initiation ko.
Vacant time namin ngayon kaya nagtungo nalang ko ng library bitbit ang laptop ko para doon nalang mag re-search sa mga target ko ng walang ibang mang iistorbo sakin.
Ay hindi pala dahil nandito si Sir Hernandez
May kasama itong estudyante na sa tingin mo ay kaedaran ko lang. Busy ang dalawa na kumokopya ng notes galing sa libro na gamit nila.
Sa kaharap nilang mesa ako umupo kaya kita ko ang gulat sa mukha ni Sir Hernandez ng makita ako ngunit hindi ko siya pinansin at inilapag na ang dala kong laptop sa mesa at nagkalikot na doon.
Una kong tinignan sa social media ay si Jiro Itagaki. A young japanese business tycoon. Ayon sa article na naka paskil sa social media ay ito ang pinaka matalik na katunggali ni Sebastian Fier Chavez sa business industry.
Gwapo ang Lalake at matipuno ang katawan. Matangkad, maputi at singkit ang mga mata pero mukha itong sadista. Ayos din sa nabasa ko ay ultimate womanizer in town ang lalake na kina ngiwi ko kaya inalis ko muna sakanya ang paningin at sinunod naman ang isa sa mga target ko na si Anthony Santillian ang multi-billioner business man. Ito ang may ari ng pinaka sikat na Luxuries company sa buong mundo kahit na bata pa ito Edad bente otso at may fiance na isang sikat na modelo sa france.
Parang magandang paghiwalayin ang dalawa. Hahahaha
Sinunod ko naman ang isa pa sa target ko na si Dominic Wilson na anak naman ng mag asawang sikat na doctor na sina Mr. and Mrs Wilson. Ayon sa article ay may pagka maldito ang binata at lahat ng luho ay nakukuha kasama na ang mga babaeng natitipuhan nito.
Tss! Baka isip bata pa ito ah!
Napaawang ang labi ko ng mai-search ko ang pangalan na Hero Saavedra at lumabas sa screen ng laptop ko ang nag iisang anak ni Diego ang yumaong kong boyfriend.
"Luh! Bat kasama siya?" Parang tangang tanong ko sa sarili ng makita ang itsura nito na nakapa fiers sa paningin ko.
Ayon sa article ay isa din siya ngayon sa mga batang business man sa sumisikat ngayon. Balita daw na pagkamatay ng ama nito ay siya na ang nagpatakbo sa kumpanyang iniwan ng ama na ngayon ay napapa unlad nya kaya kabilang na ang pangalan nito sa top 10 na sikat at mayaman na tao sa bansa.
"Wow!" Tanging nasabi ko matapos mabasa ang article na lumabas sa pangalan ni Hero.
Last in the list ay si Mr Simon Grey. Ang batang Senator na anak ng sikat na mga abogado na si Mr. and Mrs. Grey.
Kilala ito bilang batikang batang pulitiko. tapos ito sa kursong abugado ngunit hinikayat siya ng mga kaibigan ng mga magulang na tumakbo bilang senator na mabilis na nakapasok dahil sa asset ng mga magulang nito. Kilala kase ang mga magulang nya na pinaka magaling na abugado mapa mahirap man o mayaman ay naipapanalo nila ang kaso.
Sumakit tuloy ang ulo ko dahil sa mga itsura nila. Ni isa kase sakanila ay wala kang maitatapon dahin makalaglag panty lahat sila kaya hindi tuloy ako maka pili kung sino ang uunahin sakanila.
"Need help?" Bigla ay tanong ng boritong tono ni Sir Hernandez kaya napa igtad ako sa kinauupuan ko at mabilis na naisara ang laptop dahil sa takot na makita nya ang tinitignan ko doon.
"Naku Sir! No need i can handle this" Sagot ko dito at dali dali ng ibinalik ang laptop ko sa bag nito at tumayo na para umalis.
"Can we talk later Nicole?" Pagkuwan ay tanong nito sa seryosong tono.
"Busy po ako Sir. Marami akong reports na kailangang gawin" Pagsisinungaling ko dito saka umiwas ng tingin dahil ayaw kong makita nya na nagsisiningaling ako.
"Pag may free time ka? Please!" Muli ay sabi nito sa nagmamaka awang tono.
"Puntahan nalang po kita sa office mo Sir. I have to go" Sagot ko dito na tinanguan nalang nya ako kaya umalis na ako palabas ng library.
Sakit na nga sa ulo ang lima kong target ay sasali pa siya. Tss! kung hindi kase nagpaka agresibo nung nakaraang araw ede sana pareho kaming blooming ngayon. Hahaha
Nagtungo na ako sa susunod kong subject dahil ilang minuto nalang ay mag sisimula na iyon. Mamayang lunch ko nalang ulit isipin kung sino sa lima ang uunahin ko dahil ayaw kong mahaluhan ang pag aaral ko sa mga kagagahan na pinag gagagawa ko sa buhay ko.
Mabilis na natapos ang pang umaga kong klase kaya ngayon ay lunch break na. Nagtext din si Eunice na magkikita kami sa cafeteria ngayon dahil may sasabihin daw ito sakin ngayon.
Pagdating sa cafeteria ay nakita ko si Eunice na may kasamang lalake na sa tingin ko ay matanda samin dahil sa itsura nito.
Napakunot ang noo ko ng mamukahan ang itsura ng lalakeng kasama nya. Isa iyon sa tatlong target niya na sa pagkaka alala ko ay Gabrielle Montenegro ang pangalan.
"Oh Hi Girl!" Bati ni Eunice sakin ng makalapit ako sa mesa nila.
Napatingin sakin ang kasama nitong lalaki na may ngisi sa labi kaya napa ngiwi ako dahil mukha siyang manyakis sa itsura ng pagtitig nito sakin.
May itsura naman ang lalake, mukha nga lang itong tatay na namin dahil nasa mid 40's na ang edad nito base sa tindig ng katawan at isura nya.
"Mr.Montenegro this is Nicole Garcia my friend and dorm mate" Pakilala ni Eunice sakin sa kasama nito.
Tumayo pa ito at nag ayos ng suot na cout bago nag lahad ng kamay sakin para makipag shake hands.
"Nice to meet you Nicole. I'm Gabrielle Montenegro" Pakilala nito
Alam ko! Gusto kong isatinig ngunit hindi ko nalang ginawa at ngumiti ng tipid saka ko tinanggap ang pakikipag kamay nito sakin.
"My pleasure to meet you too Mr.Montenegro" Sagot ko dito saka ko agad binawi ang kamay kong hawak nya dahil ramdam ko ang panaka naka niyang pagpisil doon.
Hindi na nagtagal si Mr.Montenogro dahil may meeting pa daw itong kailangan daluhan. Inimbita niya kami na dumalo sa gaganapin na party sa kumpanya nya.
Kilalang batikan na business man din si Mr.Montenegro kaya alam namin na madami ang dadalo sa party nito na kilalang business man din na gaganapin sa makalawa.
Hindi na kami tumanggi ni Eunice dahil pareho naming naisip na baka makita namin doon ang mga target namin dahil tungkol sa Business Industry ang gaganapin na party.
Binigyan nya kami ng tig isang invitation dahil hindi daw kami basta basta makaka pasok sa pristihiyosong party kung wala kami non na malugod naming tinanggap.
Pagka alis na pagka alis ni Mr.Montenegro ay nag si uwian kami ni Eunice sa dorm namin para makapag usap ng masinsinan ng walang ibang makakarinig. May kung ano nanaman kase na pumasok sa utak nito at magandang idea daw iyon ayon sakanya.
"Ano na?" Walang gana kong tanong saka kinain ang binili kong sandwitch sa cafeteria dahil hindi na ako nakakain ng lunch.
"Pupunta ka diba?" Pangungumpirma pa nito sakin.
"Di ko sure. Dahil wala pa ako sa mood para gawin ang initiation ko" Tamad kong sagot dito saka inisang subo ang natitirang sandwitch na hawak ko.
"Big opportunity ito day! Malay mo nandoon lahat ng target mo. Ikaw din naman ang inaalala ko dahil lima ang sayo" Mahabang lintaya nito saka namaywang sa harapan ko.
Napa isip ako bigla sa sinabi nito. Oo tama ito na mahirap nga ang task ko dahil LIMA yon no! Hindi biro ang limang lalake na ikakama ako and worst! Kailangan pa ng video for proof na nakipag talik talaga ako sa limang iyon.
Nakakaloka!
Hindi na ako umimik at tanging pagtango nalang ang ginawa ko dito bilang sagot na sasama na ako.
Pwede naman muna ako sa getting to know each everyone para madali ko nalang magawa ang task ko.
Pero mababaliw na ako kakaisip kung kanino ko ba ipapabiyak ang pakwan sa limang nag uumapaw sa gwapo't kisig.
Oh god!
Bumalik na kami ni Eunice sa kanya kanya naming klase makalipas ng ilang minutong pag mumuni muni sa dorm namin.
Sa buong maghapon na klase ko ay lutang ako dahil hindi talaga makapili ang utak ko kung kanino ko ibibigay ang una ko.
Kay Hero nalang kaya?
Tutal ay kilala ko na naman ito at may nangyari ng hindi kanais nais sa pagitan namin nung una kaming magmeet. hehe
Pero ayokong pagtawanan nya ako dahil nung huli naming encounter ay pinipilit nya akong may mangyari samin ngunit hindi ako pumayag kaya alam kong pag lumapit ako ngayon sakanya para makipag make out ay pagtatawanan nya ako sigurado.
Ughh! Nakakabaliw na ito huh! Hindi na biro ang pinasok ko. Sh*t! Kung pumayag nalang sana ako sa alok ni Mr.Sanchez ede sana isa lang ang problema ko hindi yung lima-lima pa. Punyetang Life!
What i'm going to do?? Ugh!....