Papasikat na ang araw nang magising ako. Ang totoo, hindi ko alam kung paanong nakatulog ako ng mahimbing matapos ang tawag na ‘yon. Balak ko sanang ipa-trace kung nasaan ang misteryosong babae kagabi pero nakaramdam ako bigla ng matinding hilo at pananakit ng ulo. Marahil ay pagod talaga ako. Kaya gano’on. Tumayo ako para maghanda at nakita ko sa itaas ng double deck si Gunner na nagpapahinga. Hindi ko na siya inistorbo. Malamang na madaling araw na nakabalik ang isang ito. Agad akong naghilamos at nagsipilyo. Napansin kong humahaba na ang begote at balbas ko. Humahaba na rin ang buhok ko. Masyado na akong subsob sa kasong ito at hindi ko na masyadong naaasikaso ang sarili ko. Pero wala akong magagawa. Trabaho ko ito. Hindi maalis sa isipan ko ang huling sinabi ng babae kagabi. Mas ma

