Ginalugad ko ang tumpukan ng mga tao sa labas ng headquarters. Bawat sulok ay tinignan ko. Para na akong praning pero sigurado akong narito lang siya at nagmamasid. Pero hindi ko siya makita. Hayop na ‘yan, ang galing magtago! Sinubukan kong tawagan ang numerong ginamit niya pero nakapatay na ‘to. Napakalakas ng loob ng hayop na ‘yon na tawagan ako at pagbantaan. Hindi ko na napansin na napaligiran na pala ako ng mga reporters. Sunod-sunod na naman ang tanong nila at wala akong maintindihan na kahit isa sa mga sinasabi nila. Bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng ulo at hindi ko napigilan ang sarili ko na masigawan sila. Sunod-sunod na flash ng camera ang narinig ko at pagkatapos ay nakaramdam ako ang isang pwersa na hinatak ako pabalik sa loob ng headquaters. “Pasensya ka na, sir. Kail

