Chapter 27 Neith’s POV “Ate Autumn, ako na ang magliligpit.” Sabi ni Rainiellaine at umalis na si Aira mula sa lababo. Anong tinawag niya kay Aira? “Autumn?” tanong ni Thunder “Na-miss mo ako, Eel Successor?” nakangising sabi ni Aira “Ikaw si Lady Vesta?” tanong ni Thunder kay Aira at tumango si Aira “Nagmana yan ng kalokohan kay Winter.” Sabi ni Jade at inakbayan si Aira “What did I do?” tanong ni Icelle “Naku, ates. Tama na, naguguluhan na silang lahat.” Sabi ni Rainiellaine at may inalis sa mata niya. “Summer.” Sabi ni Ice at hinawakan ng mahigpit ang balikat ni Rainiellaine “Miss me, Yelo? Ay oo nga pala, galit ka sa akin.” Sabi niya at nag-shift ng emotion at inalis ang pagkakahawak sa kanya ni Ice Lumapit siya kayna Aira at tumabi. Siya si Summer? Hindi kapanipaniwala.

