Unknown POV I gritted my teeth as I glare at the wine glass that I am currently holding. Kanina pa nanggagalaiti ang aking kalooban dahil sa mga nagaganap lalo na't ngayon ay alam konang ang lahat pala ng ginawa ko ay napunta lang sa wala. At sa loob ng ilang taon na ako'y Nagsaya dahil sa kaalaman na hindi nahahanap ng walang hiyang lalakeng 'yon ang kaniyang magiging reyna ngunit ngayon ay tila ako napuno ng apoy, isang nagliliyab na galit na unti unting kinakain ang huling pasensya sa aking kalooban. At hindi rin maiiwasang sisihin ko ang aking sarili dahil alam kong nagkamali rin ako, kung saan naging kampante ako na nasa panig ko ang tadhana pero ang totoo pala ay nabigo din ako, na pigilin ang lalaking 'yon na mahanap ang kaniyang itinakdang maging asawa. Ginawa ko naman

