Samantala, si Gavin ay kasalukuyang kinakaharap ang sariling kamatayan. Nakasuot sa katawan niya ang vest na may nakakabit na C-4 bomb. At hindi niya alam kung ilang minuto na lang ang nalalabi sa buhay niya. Ni wala siyang ideya kung sino ang mga dumukot sa kan'ya. Wala siyang kaaway lalong-lalo, wala siyang kinaatraso. Wala rin siyang kaalam-alam na sa mga oras na iyon, nasa panganib rin buhay ng kanyang pamilya. Naroon siya ngayon sa isang lumang silid na mistulang isang bodega. Nakaimbak kasi roon ang kung anu-anong abubot na hindi niya mawari kung ano. Nakaupo siya sa mono block chair habang nakatali ang kanyang kamay at paa. Habang ang bibig ay mayroong duct tape. Kasabay nang nararamdamang takot at panginginig ng katawan nang mga sandaling iyon, lihim na lang ipinigdasal ni Gavin

