"Hello kups, napatawag ka? Ano'ng atin?" dinig niyang tanong ni Heinz mula sa kabilang linya. "Good evening, kups! Busy ka?" agad na tanong ni Aki sa matalik na kaibigan. Balak kasi niya itong yayaing lumabas para mag-inom ng kaunti. Bored na bored na kasi siya sa condo at wala naman siyang maisip na tawagan kung hindi ito. Isa pa, ang sabi ng private doctor niya, kailangan niya ng makakausap para mabawasan ang stress niya. "Yes, I'm free. Ano'ng mayr'on? Mukhang seryoso iyan, ha?" anang Heinz na bakas sa tinig ang panunukso. "f**k you! Bored lang ako 'no? 'Tsaka gusto kong uminom ng kaunti," natatawa naman niyang sagot dito. "Okay, sabi mo e. Kita na lang tayo sa dati." "Alright, sa dati na lang. 'Bye!" Matapos ng pag-uusap na iyon, ini-off na niya ang cellphone at saka nag-asikas

