"Just wait for my signal Agent Tetsuya, bago ka kumilos. And make sure na secure ang loob bago kami pumasok!" Pasimpleng inayos ni Akihiro ang earpiece niya nang marinig iyon saka kunwaring may inayos sa kwelyo bago sumagot. "Copy." Malikot ang mata niya ng mga sandaling iyon at mas tinalasan pa ang pakiramdam. Ngayong gabi nila sasalakayin ang nightclub. Naroon na rin siya sa loob at nagpapanggap pa rin bilang isang customer. Sa labas ay nakapwesto na ang PDEA, NBI at Quezon City Police District. Ano mang oras ay papasukin na nito ang nasabing lugar. Inikot niya ang paningin sa kabuohan ng club at napansin niyang mas lalo yatang dumami ang mga bantay nito. Pero ang kainaman lang, kakaunti ang customers ng araw na iyon. Sinadya talaga nilang itapat iyon ng weekdays, dahil kung sakaling

