ABALA si Kiah sa pagwawalis ng marmol na sahig nang sandali siyang matigilan. Naalala kasi niya ang naging usapan nila ni Aki kanina lamang tungkol kay Carlos at sa pagpayag ng asawang mamasukan siyang muli. Ang totoo ay hindi rin niya alam kung bakit hindi niya masabi na wala na ang asawa. Ayaw man niyang magsinungaling sa amo, pero aywan niya sa sarili kung bakit hindi niya inamin ang katotohanan. Bigla ay nakaramdam tuloy siya nang konsensya, lalo pa't napakalaki na ng utang na loob niya sa amo. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung papaano makababayad. Ngunit ipinangako rin niya sa sariling gagawin ang lahat upang makabayad sa kabutihan nito. "Naku! Ang kalat-kalat naman ng silid ni Sir Aki. Hindi ba s'ya nakakapaglinis?" kunot-noong bulalas ni Kiah sa sarili habang pinas

