CALLI NASUNDAN ko ng tingin ang helper ni Logan na nag-aayos ng lamesa para sa lunch ko. Parang fiesta na naman ang pinahanda niyang pagkain. Busog pa nga ako dahil late na kaming nakakain ng breakfast kaya wala pa akong gana na kumain. Alas dose pa lang ay may pagkain na agad na hinahanda para sà lunch. Balak yata akong patabain ni Logan kaya ganito kadami ang food ko palagi. Nilapitan ko si Jobel, ang helper niya at humawak sa sandalan ng upuan. “Uhm... Jobel, next time pwede bang konti na lang i-serve mong food sa akin? Hindi kasi ako malakas kumain. Sayang lang. Madami pa namang bata ang nagugutom.” “Naku, Miss Calli, pasensiya na. Kami po kasi ang mapapagalitan ni Sir Logan kapag konti ang dinala namin na pagkain dito. Kabilan-bilan niya na hindi ka gugutumin dito.” Nahihiya nito

