CALLI LUMABAS ako ng sasakyan dahil nakita ko si Pen na nakatayo sa may gilid ng stage. Maraming tao at hindi agad siya mapapansin pero kilalang-kilala ko siya. The way she dress, her posture, alam kong siya iyon. “Miss Calli, sa loob na po muna kayo ng sasakyan. Mainit po dito sa labas. Mapapagalitan kami ni Boss Logan.” Jim told me. Hindi ko siya pinansin dahil sinusundan ko ng tingin si Pen. May binabalak siya at kailangan malaman iyon ni Logan. She's here to destroy Logan's reputation at kumukuha lang siya ng magandang pagkakataon para maisagawa ang plano niya. That can't happen. Start na ng campaign ni Logan and I insist na sasama ako. I want to help and support him in his campaign. Mainit nga talaga dito sa labas dahil hapon at tirik pa ang araw. Ilang lugar pa ang pupuntahan na

