LOGAN “Damn it!” sapo ko ang putok na labi dahil sa ginawang pagsuntok ni Trace sa akin. Hindi ko na ininda ang tama ng baril sa balikat ko dahil mas iniisip ko si Calli kaysa sa kalagayan ko. “You should've said that Chloe and Trace are siblings.” Elliot told me. “Hindi sana aabot sa ganito. You almost got killed.” “I didn't know. Doon ko lang din nalaman.” Kahit ako ay nagulat. Jake and Elliot are both surprised. Dinala nila ako sa hospital because Trace shot me. Nalaman din namin ang totoong dahilan ni Chloe and my why my wife helped her to escape from her wedding with Trace. Tumayo si Jake mula sa pagkakaupo sa long sofa at lumapit sa amin ni Elliot na nakatayo sa dulo ng higaan ni Calli. “What?! You didn't know but you helped Chloe to escape! Tang ina, Logan. Nag-iisip ka ba

