Chapter 42 The next few days had been hectic, hindi tumitigil si Sandro sa pangungulit samin. Hindi ko naman pinagkait ang mga anak niya at minsan hinahayaan ko silang magkita pero dapat andon ako palagi dahil wala akong tiwala kay Sandro. Balak ko nadin sanang umuwi na sa probinsya pero nakabantay parati si Sandro, parang lahat ng pinupuntahan ko ay alam niya. Sandro keeps sending me flowers, panay talaga ang suyo niya pero ayaw ko na talaga, mahal ko parin siya pero masakit parin ang ginawa niya samin ng mga anak niya, hindi ko parin matanggap at natatakot ako na kapag papatawarin ko na siya ay magbabago na naman ang ugali niya. Nag sasama rin kami ni Noah minsan especially pag pumupunta kami sa park kasama si Sherlyn, nagagalit si Sandro tungkol dito pero wala na siyang magawa. Ka

