KABANATA 38 Sumunod sa ‘kin si Mona at hinawakan ako sa braso. “Baste, huwag mo na lang kayang tingnan. Kinakabahan ako. Baka kung ano ang makita natin,” nag-aalalang bulong niya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong kagat pa niya ang ibabang labi niya at hindi maipinta ang mukha niya sa kaba. Hinwakan ko ang ibabaw ng kamay niyang nakawak sa ‘kin. “Baka mapahamak tayo kapag hindi ko tiningnan.” Pagkatapos ng dinanas namin sa kamay ng matandang Tigabulak sa candy store, ayoko na siyang makitang mapahamak uli. Hindi ko maipaliwanag ‘yung takot na naramdaman ko nang makita ko siyang walang malay noon, kaya hanggang maari ay gagawin ko ang lahat para ilayo siya sa disgrasya. Marahan kong tinapik ang kamay niya. “Ako na lang ang titingin. Huwag ka nang sumama sa ‘kin.” “Hindi. Sasama na

