KABANATA 21 Napaupo ako sa kama pagkatapos kong makita ang kamatayan ng nanay ko. Para akong nanuod ng pelikula sa sinehan, pero hindi ko nagustuhan ‘yung ending. Ang masaklap pa, ‘yung mga magulang ko ang bida sa palabas na ‘yon. Napahawak ako sa aking dibdib. Parang nilalamukos sa sakit ang puso ko. Hindi ko malaman kung saan ko ibubunton ang galit ko. Hindi ko alam kung sino’ng sisisihin ko. Parang gusto kong sumugod ngayon sa mundo ng mga engkanto at awayin ‘yung tatay ko. Gusto ko siyang sumbatan at sabihan ng masasakit na salita nang dahil sa ginawa niya sa nanay ko. Kung nirespeto na lang sana niya ang desisyon ng nanay ko, may nag-aaruga sana sa akin at hindi ako mag-isa ngayon. Hindi ako malulugmok sa ganitong buhay kasama ng mga masasamang tao tulad nina Austin at Yumi. Tumayo

