SABAY sa agos. Iyon nalang ang ginagawa ni Kristel. Gustuhin man niyang bumalik na sa Manila at kalimutan nalang ang lahat ng nangyari sa San Martin sa pagitan nila ni Adam, hindi siya pinapayagan na umalis ni lolo Mando at ng magulang ni Adam. "Hindi ako papayag na hindi pananagutan ng anak ko ang nangyari sa inyo. Kailangan na pakasalan ka ni Adam," wika ni Anthony. "Oo nga naman, iha. Isa pa, paano nga kung magbunga ang nangyari sa inyo ng apo kong si Adam,Kristel? Tsaka, paano kang babalik sa dati mong buhay kung may nanggugulo naman sayo doon. Please, stay apo! Dito ka lang muna sa akin. Mas panatag ako kung nandito ka. Para nalang sa ikatatahimik ng lolo Kris mo sa kabilang buhay." Alam talaga ni lolo Mando kung saan ang kahinaan niya. Kaya ginagamit nito ang pangalan ni lolo Kris

