NATIGILAN si Kristel dahil sa sinabi ni Roy. Oo at minsan niya nang narinig na sabihin nito sa kanya ang mga katagang 'yon. Nakakabigla parin lalo na sa uri ng pagkakasabi nito sa kanya ngayon. She felt the sincerity in every word. At ngayong napagmasdan niya itong maigi. Nakikita niyang apektado din ito sa mga pangyayari sa kanila. Gwapo at matangkad si Roy. Macho at maganda itong magdala ng damit. Malinis din ito sa katawan. Pero ang Roy na nasa harap niya ngayon ay bahagyang nabawasan ng timbang at halatang ilang araw nang hindi nakakapag ahit ng balbas. Magulo rin ang buhok nito na para bang hindi na nag-abala pa na ayusin ang sarili. Higit sa lahat wala na ang masigla nitong ngiti na palagi nitong isinasalubong sa kanya noon. Aaminin niya sa sarili. Sa lahat ng pagkakataon na nag

