KATAHIMIKAN. Walang nagsasalita sa kanila matapos ang maingay at mainit na tagpong pinagsaluhan nila. Si Kristel ay pinapakiramdam lang ang katabi. Nakatiyang nakahiga si Adam habang blanko ang tingin sa kisame ng suite. Nakapatong ang isang braso sa noo. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Siya naman ay tahimik na lumuluha habang nakatalikod dito ng higa. Naguguluhan siya sa nararamdaman. Ano na ang mangyayari ngayon sa kanila? Papayag na ba siyang magpakasal dito? Kung noong una ay malakas ang paniwala niya na hindi nagbubunga ang nangyari sa kanila. Ngayon hindi na siya sigurado. Nainis siya sa sarili. Bakit ang bilis niyang bumigay? Bakit sa mga bisig ni Adam ay para siyang Chocolate na nalulusaw sa init ng mga haplos nito? Nakakahiya! Para siyang s*x starved na matrona kanin

