PILIT na ngumiti si Kristel ng makita ang gwapong mukha ng asawa na ka-video call niya ngayon. "Hi, sweetheart… Kamusta ang pakiramdam mo? Tumawag ako kanina kaso sabi ng katulong ay natutulog ka daw at masama ang pakiramdam mo." Nasa boses ni Adam ang pag-aalala sa asawa. "Love, I'm fine. Masyado kasing mainit kanina sa labas kaya siguro ako nahilo." Pagdadahilan ni Kristel. Ayaw na muna niyang sabihin sa asawa ang nalaman niya lalo at hindi naman siya sigurado sa hinala. Baka makadagdag lang ito sa alalahanin nito. "Nagpatingin ka na ba sa doctor?" "I'm fine. Hindi na kailangan. Ikaw, kamusta ka diyan? Baka naman masyado mong pinapagud ang sarili mo. Nagpapahinga ka pa ba?" "Okay lang ako. Ako pa ba?" nakangiting turan ni Adam kahit makikita sa itsura nito ang pagod. "Kailan ka u

