Chapter 65

2331 Words

GALIT na galit si Adam. Pag-uwi niya sa bahay ay napag-alaman niya mula sa mga katulong na umalis si Kristel at may dala daw itong mga gamit at maleta. “f**k! Bakit hindi niyo ako tinawagan agad? Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin kung kanina pa pala umalis ang asawa ko?” malakas ang boses na tanong niya sa mga katulong. “Eh senyorito, tinawagan ka po namin sa cellphone mo kaso hindi ka naman po sumasagot. Tumawag po kami sa opisina niyo pero sabi ng sekretarya mo ay wala daw po kayo at may meeting ka raw pong pinuntahan,” sagot naman ng isa sa mga katulong na halata ang takot dahil sa galit na makikita sa mukha ni Adam. Kinuha ni Adam ang cellphone niya. Nakita niyang maraming missed calls ngunit dahil naka silent iyon kanina habang nasa meeting siya kaya hindi niya narinig ang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD