"Anong sabi mo?" kunot-noong tanong ni Xia sa kanyang asawang halos kakainin ang sarili sa selos na nararamdaman nang makita siyang may kasamang ibang lalaki at inakala nito, naghalikan pa sila. "Kailangan ko pa bang ulitin ang tanong ko. Alam ko namang narinig mo 'yon nang malinaw, di ba?" Napangiti ng sapilitan si Xia na para bang naiinsulto dahil sa naging tanong ng kanyang asawa. Bakit ba kasi, hindi muna siya tanungin kung naghalikan nga ba silang dalawa ni Bernard o kung pinanonood man sila nito kanina, bakit hindi muna sila pinagmasdan nito nang maigi at nang malaman nito kung naghalikan nga ba sila o hindi. "Bakit nagseselos ka?" "May asawa kang tao tapos nagpapahalik ka sa ibang lalaki. Sa tingin mo ba makatarungan ang-----" "Are you questioning me right now nang dahil lang

