"Where are you going?" habol ni Marco sa kanyang asawa nang makita niya itong nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay dala ang susi ng sasakyan nila. "Hahanapin ko si Xia," sagot nito saka siya nito agad na tinalikuran para lapitan ang sasakyan. "Saan mo naman siya hahanapin?" Muling humarap si Martha sa kanyang asawa na nag-aalala sa kanya habang siya naman ay nag-aalala para sa kalagayan ng kaibigan. "Kahit saan basta makita ko lang siya. Hindi ako matatahimik kung hindi ko nalalaman ang kalagayan niya o kung nasaan siya ngayon," desperada niyang saad at nang pumihit na siya patalikod sa kanyang asawa ay bigla naman siyang natigilan nang biglang sumulpot sa kanyang harapan ang taong bago lang nila napag-usapan. Si Xia! Napaawang ang mga labi ni Martha dahil sa kabiglaan. Hind

