CHAPTER 6

1705 Words
Hindi maintindihan ni Xia ang pagkabog ng kanyang dibdib habang lihim niyang pinagmamasdan ang dalawa. Dahan-dahan niyang ikinuyom ang kanyang kamao na para bang du'n siya kumukuha ng lakas ng loob dahil pakiramdam niya nanghihina ang kanyang buong katawan sa kanyang nakikita. Alam niyang nakainom siya ng alak pero hindi niya maipagkaila na ang porma ng lalaking kayakap ni Nicole ay kaporma ng kanyang asawa. Nakita niya ang pagkalas ni Nicole mula sa pagkakayakap nito sa lalaki saka niya nakitang napatingin ito sa sariling phone na para bang may binasang text message. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang kanang paa para ihakbang ito palapit  sa dalawa nang malaman niya kung totoo nga ba ang kanyang pangambang si Alex ang lalaking kayakap ng kanyang kaibigan at nang akma na sana niya itong ihakbang ay may bigla namang napahawak sa kanyang braso na siyang labis niyang ikinabigla at nang lingunin niya ito ay saka lang niya nakilalang si Martha pala iyon! "What are you doing here? Kanina ka pa hinahanap ni Alex," pahayag nito na siyang ipinagkunot ng kanyang noo. "S-si Alex?" tanong niya saka siya napatingin sa kinaroroonan nina Nicole pero laking dismaya niya nang hindi na niya nakita pa ang lalaking kasama nito. Napatingin naman si Martha sa direksyon na kanyang pinagmamasdan at saka nakita nito si Nicole na nakatayong nakatalikod na sa kanila at  para bang may pinagmamasdan. "Why Nicole is there?" nagtatakang-tanong ni Martha at nang pumihit na si Nicole paharap sa kanila ay agad itong humakbang palapit sa kanila at nang malapit na ito sa kanilang kinaroroonan ay saka lang sila napansin nito. "Kanina pa ba kayo diyan?" tanong nito sa kanila habang ang mga mata ni Xia ay nanatiling nakatingin sa kinatatayuan nito kanina kasama ang lalaking inaakala niyang asawa niya dahil sa pagbabasakaling mahagip pa ng kanyang mga mata ito. "Bago lang. Anong ginagawa mo rito?" tanong naman ni Martha sa kaibigan. "M-may kausap lang ako," sagot naman ni Nicole. "Sino?" Napatingin ang dalawa sa kanya dahil sa kanyang tanong. Ramdam din kasi ng dalawa ang kakaibang emosyon na bumabalot ngayon sa kanyang buong pagkatao. Nakayuko si Nicole na para bang nahihiya at may itinatago. "Sino, Nicole?" tanong naman ni Martha. "S-si Glendon." Napatingin nang maigi si Xia sa kanyang kaibigan na para bang sinusuri niya kung nagsasabi ba ito ng buong katotohanan. "Si Glendon?" hindi makapaniwalang tanong ni Martha. "Oo. Nakabalik na siya." "Bakit hindi siya nagpakita sa amin?" tanong niya. May mga bagay pa rin talaga siyang hindi naiintindihan kaya kailangan niyang usigin nang mabuti ang kaibigan. "Gusto niya kaya lang... alam niyo naman kung ano ang sitwasyon ng tatlong lalaki, di ba?" Natahimik sina Xia at Martha dahil alam naman talaga nila kung papaano nag-away ang mga ito nang bigla na lamang itong nilayuan si Nicole nang hindi nila alam kung ano ba talaga ang dahilan. "But he promised na magpapakita siya kapag tuluyan na kaming magiging okay," dagdag pa nito. "Mabuti naman at naisipan niyong ayusin ang ano mang namamagitan sa inyo dahil sa totoo lang, kawawa talaga si Phil. Lalaki siyang walang ama," litanya ni Martha habang si Xia naman ay nagi-guilty dahil sa kanyang iniisip kanina. "Halika na, kanina ka pa hinahanap ng asawa mo," baling ni Martha sa kanya. Marahan naman siyang napatango saka nagpatiuna na siyang lumakad at napasunod naman sa kanya ang dalawa. Pagdating nila sa kanilang pwesto ay nakita niya ang kanyang asawa at si Marco na nag-uusapan at nang makita sila ni Alex ay agad itong tumayo saka siya nilapitan. "Where did you go? Akala ko, umuwi ka na. Kanina pa kita hinahanap," pahayag nito habang nakatayo ito sa kanyang harapan. Napatitig siya sa mga mata ng kanyang asawa. Ang titig nito sa kanya na para bang nagsasabing inosente ito sa mga bagay na iniisip niya. Ang mga titig nito ang nagsasabi sa kanyang tigilan na niya ang mag-isip ng hindi maganda dahil wala namang magandang maidudulot iyon sa kanilang pagsasama at maaaring iyon pa ang magiging dahilan upang magkasira silang mag-asawa. "Sweetie, what's wrong?" nagtatakang-tanong tanong sa kanya ni Alex nang nanatili lamang siyang nakatitig dito at imbes na sagutin niya ang tanong nito at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya rito nang hindi nito inaasahan. Labis ang pagtataka ni Alex sa ginawa niyang pagyakap. Para siyang batang nawalan saglit ng isang ama. "Sweetie?" anito habang hinagud-hagod ang kanyang likuran. "Anong problema?" Kumalas siya mula sa kanyang pagkakayakap sa kanyang asawa at hinawakan niya ang dalawa nitong mga kamay. "Promise me, that no matter what will happen, even if I'm not a perfect wife to you, you will never ever leave me at hindi mo 'ko ipagpapalit kahit kanino man," mangiyak-ngiyak niyang saad habang nakipagtitigan siya sa mga mata ng kanyang asawa. Napakunot ang noo ni Alex sa naging tinuran niya. Wala rin sa isipan nito na lalabas iyon mula mismo sa kanyang mga labi. "What's wrong? May nangyari ba?" tanong nito sa kanya habang nakakunot ang noo. "Promise me, please." Nakatingin si Alex sa kanilang mga kasama pero pareho namang nagtataka ang mga ito at wala ring maiintindihan sa mga katagang lumalabas mula sa kanya. "Promise, hindi kita iiwan. Hindi kita ipagpapalit kanino man," sabi nito na siyang nagpangiti sa kanya. Napayakap siyang muli rito at nang muli silang nagkahiwalay ay walang babalang inangkin niya ang mga labi ng kanyang asawa. "Oh, my!" bulalas ni Martha habang si Nicole naman ay nakangiti lamang sa nakita. Panay naman ang tukso ni Marco sa kanila. Tumagal ng ilang saglit ang halikang namagitan sa kanilang dalawa at ramdam na ramdam talaga ni Xia ang saya sa kanyang kaibuturan nang mga sandaling 'yon. Nagising siya kinaumagahan na nasa loob ng mga bisig ng kanyang asawang tulog na tulog pa sa kanyang tabi. Napangiti siya habang pinagmamasdan niya ito nang maigi. Bahagya niyang iniangat ang kanyang katawan saka siya bahagyang dumagan sa ibabaw ng dibdib ni Alex at kinintalan niya nang mumunting halik ang mukha nito, mula sa noo pababa sa magkabila nitong pisngi, sa tungki ng ilong hanggang sa mga labi nito. Nang lumapat ang kanyang mga labi sa bibig nito ay ganu'n na lamang ang kanyang pagkabigla nang maramdaman niya ang biglaang pagkawit ng dalawang braso ni Alex sa kanyang batok saka siniil ng halik ang kanyang mga labi na buong puso naman niyang tinugunan. Hindi na pinakawalan ni Alex ang kanyang mga labi habang parehong magkapikit ang kanila mga mata saka dahan-dahan siya nitong inihiga sa malambot na kama at maya-maya lang ay naramdaman na lamang niya ang bigat nito sa kanyang ibabaw. "You turn me on, sweetie," pabulong nitong sabi sa kanya. Wala naman siyang ibang naging sagot maliban lamang sa pagngiti at saka muli nitong inangkin ang kanyang mga labi hanggang sa dahan-dahan nitong hinila ang kumot at ibinalot nito sa kanilang dalawa. Napangiti si Xia nang makita niya ang lipstick na kagaya nang nakita niya sa bulsa ng tuxedo ng kanyang asawa. "Actually, magkasama silang dalawa ni Marco nang bumili sila nu'n at bumili siya ng isa para sa'yo." Naaalala niyang sabi sa kanya noon ni Martha matapos niyang ipagtapat ang tungkol sa lipstick na nakita niya sa kanyang asawa. "Kaso... gusto niyang ibigay sa'yo 'yon sa birthday mo na." Napangiti siya saka niya iyon dahan-dahan na kinuha saka niya tiningnan ang kanyang sarili sa kaharap na salamin. "Huwag mong sasabihin sa kanya na sinabi na namin sa'yo, huh? Baka kasi madi-disappoint siya sa amin. Surprise pa naman sana niya iyon sa'yo." Muli niyang alala sa mga sinabi s kanya ng kanyang kaibigan habang nilalagyan niya ng lipstick na 'yon ang kanyang mga labi nang may biglang yumakap sa kanya mula sa kanyang likuran. Ang kanyang asawa! "Nagustuhan mo?" tanong nito sa kanya habang nakatingin ito sa kanya sa kaharap nilang salamin at nakapatong ang chin nito sa kanyang balikat. Marahan siyang tumango bilang sagot sa tanong nito. "Hindi ka ba nanghihinayang?" tanong niya rito. "Saan?" "Ang pagkakaalam ko kasi, napakamahal ang lipstick na 'to." "Basta para sa'yo, walang problema. Kahit lahat pa, bibilhin ko para sa'yo," anito saka siya nito hinalikan sa kanyang pisngi. "Let's go, we're gonnna be late," sabi nito at mabilis naman siyang tumalima. "May business trip next month for one week, sino kaya ang isasama?" tanong ni Martha sa kanila habang abala sila sa pag-aasikaso ng kani-kanilang mga gawain. "Sasama ka ba kung ikaw ang isasama?" baling ni Nicole kay Xia. "I don't know yet." "Ano ka ba? Chance mo na 'yon para ma-promote," sabad naman ni Martha. Napangiti lamang siya pero ang puso niya talagang umaasa na sana siya ang isama sa business trip na 'yon. Sweetie, mamaya na ako uuwi, nagyaya kasi si Nicole nang panandaliang inuman. Promise, hindi ako maglalasing tapos ihahatid naman nila ako. Text niya sa kanyang asawa matapos siyang yayain ng mga kaibigan. Okay. Just give me a beep if you need me. "Yes!" sabay pang sigaw ng dalawang matapos niyang ipabasa sa mga ito ang reply sa kanya ni Alex. Agad silang pumunta sa lugar kung saan sila madalas mag-hang-out magkakaibigan para magsaya. Noon pa man ay ginagawa na nila ito paminsan-minsan kaya hanggang ngayon nagiging matibay pa rin ang kanilang pagsasama. Kapwa sila masaya habang kasama nila ang bawat isa. Walang kupas talaga ang kanilang pagkakaibigan na alam nila pareho na habang-buhay nilang iche-cherish iyon. Almost 09:00 o'clock na sa gabi siya hinatid nina Nicole at Martha sa kanilang bahay nang mga sandaling 'yon. "Ingat. Salamat sa paghatid," aniya saka kumaway na ang mga ito at agad na ring umalis. Napatingin siya sa loob ng bahay, nakasindi pa ang mga ilaw siguradong hinihintay na siya ng kanyang asawa. Dali-dali siyang pumasok sa bahay at sa kanyang pagpasok ay tumambad sa kanya ang kanyang asawang nakaupo sa sofa nang pa de-kwatro pa. "Hi, sorry ngayon lang ako nakauwi," aniya saka mabilis na lumapit siya rito at nang hahalikan na sana niya ito kagaya nang nakagawian niya ay bigla itong tumayo at sinalubong ang kanyang mga mata. "Explain those to me, Xia," galit nitong saad sabay turo sa direksyon ng center table. Alam niyang galit ito lalo na kapag sa pangalan siya nito tinatawag at hindi sa kanilang endearment. Agad siyang napatingin sa itinuro nito saka lang tumambad sa kanyang paningin ang kanyang contraceptives pills!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD