Habang abala sa pagmamaneho ng sasakyan si Alex pauwi ay abala naman ang isipan ni Xia sa pag-iisip sa kanyang nakitang eksena.
Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang eksena kung saan nakita niya ang kanyang asawa na hawak-hawak ang kamay ng kanyang kaibigang si Martha.
Alam naman niyang close ang mga ito pero bakit ba iba ang dating ng eksenang 'yon sa kanya? Bakit parang may kakaiba?
Muli na naman niyang naaalala ang text message na kanyang natanggap mula sa hindi niya kilalang sender at hindi niya naiwasang mag-isip ng hindi maganda para sa kaibigan.
Si Nicole nga ba ang tinutukoy sa text message na kanyang natanggap? Si Nicole nga ba ang kalaguyo ng kanyang asawa?
Pasimple niyang tiningnan si Alex habang abala ito sa pagmamaneho at nakatuon ang mga mata nito sa unahan.
Ang daming tanong ang bigla na lamang nagsulputan sa kanyang utak ng mga sandaling 'yon.
Totoo nga bang nangangaliwa ang kanyang asawa? Pero bakit? Ano bang pagkakamali niya? May pagkukulang ba siya?
Kung nangangaliwa man ito, bakit hindi niya iyon nakikita sa pagkatao nito?
"Haist! Tumigil ka na, Xia. Masyado mo nang pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay na hindi naman dapat," saway niya sa kanyang sarili saka siya napabuntong-hininga.
"Why?" tanong ni Alex sa kanya nang marinig nito ang malalim na hiningang binitiwan niya.
"Naisip ko lang, trabaho na naman bukas, abala na naman tayo," pagsisinungaling niya kahit na ang totoo, iba ang isinisigaw ng kanyang utak.
"Sabi ko naman sa'yo, eh. Mag-resign ka na. Kaya naman kitang buhayin lalo na ngayong wala pa tayong anak," pahayag ni Alex habang nanatiling nakatuon ang pansin nito sa unahan.
"Ano ka ba? Kahit na kaya mo akong buhayin, kailangan ko pa ring magtrabaho kasi ano naman ang gagawin ko sa bahay?"
"Ano ang gagawin mo o ano na lamang ang sasabihin ng ibang tao?"
Kahit na ganito si Alex, ramdam naman niya na ang tanging dahilan kung bakit ayaw mag-resign ni Xia sa trabaho ay baka kung ano na ang sasabihin ng ibang tao rito.
"Pareho lang naman 'yon, eh."
"Bakit mo kasi laging inaalala ang sasabihin ng ibang tao. Hayaan mo na sila. Hindi naman sila ang nagpapakain at bumubuhay sa atin."
"Makapagsabi ka nang ganyan kasi, wala ka sa posisyon ko."
"Wala ka naman kasing dapat patunayan sa kanila. Bakit, nakasalalay ba sa kanila ang magiging buhay?"
Natahimik na lamang si Xia sa sinabi ng kanyang asawa. May point din naman kasi ito pero masisisi ba siya nito kung ganu'n nga ang kanyang nararamdaman?
Gusto lang naman niyang mas magmukhang karapat-dapat dito kaya hindi na siguro masama ang mangarap na kahit konti lang ay umangat naman siya.
Pagdating nila ng bahay ay tinulungan siya ni Alex na ibaba ang kanilang mga dalang gamit at pagkatapos ay pareho nilang dinala iyon sa loob ng bahay.
Nang mailagay na nila nang maayos ang mga gamit ay agad siyang nagpaalam para magbihis.
Naligo muna siya ulit dahil pakiramdam niya ay hindi okay ang kanyang katawan dahil sa sagutan na nangyari sa kanilang dalawa ni Alex. Although, hindi naman iyon ganu'n kalala pero talagang hindi siya sanay.
Pagkalabas niya ng banyo ay nadatnan niya ang kanyang asawa na nakaupo sa gilid ng kama.
Hindi niya ito pinansin at dumeritso na siya sa may closet para makapaghanap ng bagong susuotin.
Nang matapos na siyang magpalit ay inabala niya ang kanyang sarili sa pag-aayos sa harapan ng salamin habang nakaupo siya.
At maya-maya lang ay natigilan na lamang siya nang biglang lumapit sa kanya ang asawa saka nito kinuha ang blower mula sa kanyang kamay saka ito na ang kusang nagpatuyo sa kanyang buhok.
Napatingin siya rito sa kaharap niyang salamin habang abala ito sa pagpapatuyo ng kanyang buhok.
"Thank you," sabi niya saka niya bahagyang niwagwag ang kanyang buhok habang nililigpit na ni Alex ang blower.
At nang tatayo na sana siya ay labis naman ang kanyang pagkabigla nang walang ano-ano'y niyakap siya nito mula sa kanyang likuran.
"Sorry," bulong nito sa kanya habang nanatili lamang siyang nakatingin dito sa salamin.
"I shouldn't be harsh to you earlier," dagdag pa nito sabay halik sa kanyang pisngi na siyang lihim na nagpakilig sa kanya.
"Sorry din kung minsan, hindi ko iniisip ang mga sinasabi ko sa'yo," sabi rin niya saka niya hinawakan ang dalawa nitong braso na nakayapos sa bandang leeg niya.
Dahan-dahan siyang tumayo saka siya umalis sa upuang kanyang inuupahan saka niya hinarap ang kanyang asawa.
"Bati na tayo?" tanong ni Alex sa kanya.
"Bakit, nag-away na tayo?" balik niyang tanong dito.
Napangiti nang kaytamis si Alex saka siya nito niyakap nang mahigpit.
"I love you," bulong ni Alex.
"I love you, too," sagot din niya.
"Tulog na tayo," aya ng kanyang asawa sa kanya pero agad naman niya itong pinigilan.
"Teka! Hindi ka ba kakain ng hapunan?"
"Hmmm... may gusto akong kainin."
"Ano 'yon? Ipagluluto kita saglit."
Napakunot ang noo niya nang biglang lumitaw ang pilyong ngiti sa gilid ng mga labi ng kanyang asawa.
Dahan-dahan na inilapit ni Alex ang bibig nito sa kanyang kanang tainga saka bumulong.
"Ikaw."
Nahampas niya sa balikat si Alex sabay ngiti.
"Ikaw, kahit kailan talaga napakamanyak mo," aniya pero napangiti lamang ang kanyang asawa sa kanya.
"Sa'yo lang ako manyak," saad nito at napasigaw na lamang siya nang bigla siya nitong ipinangko na para bang bagong kasal at saka naglakad ito palapit sa kama.
"Hey! Put me down," aniya habang nakapulupot ang dalawa niyang braso sa batok nito.
"On the bed, sweetie," sagot naman ni Alex saka maya-maya ay nararamdaman na lamang ni Xia ang dahan-dahan na paglapat ng kanyang likuran sa kanilang malambot na kama and then she gently closed her eyes when Alex started to took off his shirt infront of her.
Napamulat na lamang siya ng kanyang mga mata nang maramdaman niya ang bigat nito sa kanyang ibabaw.
"I love you, sweetie," matamis na saad ni Alex sa kanyang at hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.
Agad niyang ikinawit ang kanyang mga braso sa batok nito habang nakatitig sila sa isa't-isa at walang babalang agad niyang inangkin ang mga labi ng kanyang asawa na siyang nagpangiti rito.
A kiss which brought them in a one hot night together!
Natigilan si Xia kinabukasan sa kanyang paglalakad papasok sa kanilang office nang nahagip niya si Nicole na masayang nakikipagkwentuhan sa iba pa nilang kasama sa trabaho.
Muling nanariwa sa kanyang ala-ala ang eksenang kanyang nadatnan kahapon.
Muli niyang naaalala kung papaano hinawakan ng kanyang asawa ang kamay nito pero sa kabila nu'n mas pinili na lamang niyang huwag intindihin ang bagay na 'yon, baka may dahilan lang talaga ang mga ito kaya ganu'n na lamang ang eksenang nadatnan niya.
Aam niyang hindi siya pagtataksilan ng sarili niyang kaibigan.
"Hi, good morning," nakangiti niyang bati sa mga ito.
"Hi, good morning," maagap namang sagot sa kanya ni Nicole.
Umupo na siya sa kanyang pwesto kung saan kaharap niya si Nicole.
Nakatingin siya sa katabi niyang upuan kung saan nakapwesto si Martha, wala pa ito. Malamang paparating na rin 'yon.
Inabala niya ang kanyang sarili sa pag-aayos ng mga gamit na sana ibabaw ng kanyang mesa habang nararamdaman niyang hindi mapalagay si Nicole at nakatingin ito sa kanya.
"Bakit? Is there something you want to tell me?" tanong niya rito nang tumigil na ito sa pagiging balisa.
"'Yong tungkol kahapon. Ano kasi..."
Mataman niya itong pinagmasdan at talagang nararamdaman niya ang pagdadalawang-isip pa nito kung itutuloy pa ba nito ang sasabihin.
"We... we just to surprise Martha's husband for his birthday party then gusto ko sanang sabihin sa'yo ang tungkol sa bagay na 'yon but then Alex stopped me 'cause he wants to surprise you, too," paliwanag nito sa kanya.
Naiintindihan na niya kung bakiy ganu'n 'yon. Alam naman niya na noon pa man ay ayaw talaga magsinungaling 'tong si Nicole. Kasabay kasi ng birthday ng asawa ni Martha ang birthday niya kaya siguro gusto rin ni Alex na i-sopresa siya.
"Okay lang 'yon. Alex told me already about it."
"Talaga?" nangingislapan ang mga matang tanong nito sa kanya at marahan na pagtango ang naging sagot niya rito.
"Hay, buti na lang. Akala ko talaga, ano na ang iniisip mo sa nakita mo kahapon."
"Ano ka ba? Alam ko namang hindi mo 'yon magagawa, eh."
Mabuti na lamang at nalinawanagan na siya sa lahat.
Alam niyang kahit kailan, hindi talaga siya pagtataksilan ng kanyang mga kaibigan.
"I'm home!" sigaw ni Alex nang nakarating na ito sa kanilang bahay ng gabing 'yon.
Agad naman niya itong sinalubong saka siya nito hinalikan sa kanyang mga labi.
"Pasensiya ka na, hindi na kita naisabay sa pag-uwi. Sobrang busy kasi."
"Alam ko 'yon. Iisang kompanya lang kaya tayong pinagtatrabahuan," aniya habang tinatanggal niya ang tuxedo'ng suot nito.
Sumalampak ito sa sofa habang siya naman ay pumasok sa kanilang kwarto para isabit ang tuxedo nito.
Nang naisabit na niya ang tuxedo nito ay napakunot naman ang kanyang noo nang may nahawakan siyang matigas sa bulsa nito na nasa loob.
Nagtatakang kinuha niya iyon at lalong napakunot ang kanyang noo nang makita niyang isang lipstick 'yon.
"A rouge hermes lipstick?" nagtatakang-tanong niya sa sarili at kung hindi siya nagkakamali, ang ganu'ng brand ng lipstick ay isa sa top 10 most expensive lipsticks in the world.
"I ...I just to surprise my husband for his birthday party then gusto ko sanang sabihin sa'yo ang tungkol sa bagay na 'yon but then Alex stopped me 'cause he wants to surprise you, too."
Naaalala niyang sabi sa kanya ni Martha kanina. Ito na kaya 'yon. May kung anong matamis na ngiti ang bigla na lamang sumilay sa kanyang mga labi nang ibalik niya sa loob ng bulsa ng tuxedo ng kanyang asawa ang nasabing lipstick.
Hihintayin niyang ibibigay ito sa kanya! Excited na siya para du'n!
Kinabukasan ay talagang inaasahan ni Xia na ibigay sa kanya ni Alex ang lipstick na kanyang nakita pero nasa kompanya na lamang sila ay wala talaga itong inabot sa kanya.
Naisip din niya na baka sa kaarawan na niya ibibigay ni Alex 'yon kaya minabuti na lamang niyang huwag munang magmadali dahil alam niyang ibibigay din iyon sa kanya ng kanyang asawa.
"Good morning, Xi," masiglang bati ng kararating lang na si Nicole sa kanya.
"Morning," sagot naman niya.
"Good morning, guys," nakangiting bati sa kanila ni Martha na kasunod lamang ni Nicole at ang unang umagaw sa atensiyon ni Xia ay ang bagong kulay ng lipstick na gamit ni Martha ng sandaling 'yon.
Kung hindi siya nagkakamali, parehong-pareho iyon sa lipstick na nakita niya sa bulsa ng tuxedo ng kanyang asawa!